Councilor Marvin A. Santos

Councilor Marvin A. Santos A seasoned public servant whose advocacy is towards the welfare of children with special needs.

Maalab na pagbati sa buong Kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-112 na anibersaryo! Ang inyong pagkakais...
27/07/2026

Maalab na pagbati sa buong Kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-112 na anibersaryo! Ang inyong pagkakaisa at pananampalataya ay tunay na kahanga-hanga! Mabuhay po kayo!

KILALANIN NATIN: KonsiKap Marvin A. SantosMula sa pagiging lider sa kanyang Barangay, binigyan si KonsiKap Marvin A. San...
26/07/2026

KILALANIN NATIN: KonsiKap Marvin A. Santos

Mula sa pagiging lider sa kanyang Barangay, binigyan si KonsiKap Marvin A. Santos ng taumbayan ng pagkakataong makapaglingkod sa mas malawak na nasasakupan bilang isang Konsehal ng Distrito Uno sa Lungsod ng Parañaque.

Pinatunayan niya ang kanyang dedikasyon sa pamamagitan ng pagtupad sa mandatong ipinagkatiwala sa kanya—sa paggawa ng mga makabuluhang batas at programa na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga mamamayan.

LET’S GET TO KNOW KonsiKap at a glance.
Narito ang ilan sa mga landmark legislation at mga inisyatibong naging ambag at pamana niya para sa mga Parañaqueño.

Sa kanyang muling paghahangad na maglingkod bilang Punong Barangay ng Tambo, Kung saan sya ay residente na ng mahigit isang taon, dala niya ang iisang pangarap: ang patuloy na pag-unlad ng bawat mamamayan at ang reporma ng isang mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Barangay Tambo.

Mula sa paglilingkod, para sa paglilingkod.
Kilalanin natin ang lider na may malasakit, pananagutan, at tunay na hangaring maglingkod.




Munting salo-salo kasama ang mga therapists at kawani ng CSN Center Parañaque habang ginugunita namin ang ika-apat na an...
23/06/2026

Munting salo-salo kasama ang mga therapists at kawani ng CSN Center Parañaque habang ginugunita namin ang ika-apat na anibersaryo ng CSN Center Paranaque . Mayroong 1,323 na mga batang may espesyal na pangangailangan ang nakakatanggap ng libreng therapy sa Lungsod ng Parañaque mula nang ito’y magbukas noong June 20, 2022,. Bukod dito, mahigit isang libong bata rin ang nakakuha ng libreng assessment na pinopondohan ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Paranaque. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal—CSN Center Parañaque, kaisa ninyo ako at patuloy tayong maglilingkod para sa bawat pamilya!

Hindi kailanman makakalimot na bumalik at umagapay sa aking mga kapitbahay sa Barangay San Dionisio sa gitna ng kanilang...
09/06/2026

Hindi kailanman makakalimot na bumalik at umagapay sa aking mga kapitbahay sa Barangay San Dionisio sa gitna ng kanilang pagsubok na pinagdadaanan...

Dumalaw po kami at personal na naghatid ng kaunting tulong para sa nasunugan. Nakikidalamhati po kami sa lahat ng mga pamilyang apektado ng malaking sunog nitong nakaraang Biyernes.. Dalangin po namin na marami pang dumating na tulong para sa inyo at hindi mawala ang inyong pag-asa at pagtitiwala na sa tulong ng ating Panginoon, kayo ay muling makabangon sa pagsubok na ito. Bangon SD!

Maraming salamat CSN Center Paranaque !
23/05/2026

Maraming salamat CSN Center Paranaque !

Happy Birthday, Former Councilor Marvin A. Santos!

We honor and celebrate you today with deep gratitude for your visionary leadership and commitment to our community. As the main proponent of the ordinance that established the CSN Center Parañaque, your compassion and dedication created a lasting legacy that continues to change lives. May your day be filled with joy, good health, and the warmth of family and friends.

Ang iyong pamumuno ay nag-iwan ng pangmatagalang bakas: isang ligtas at maaalagang espasyo kung saan tinatanggap, tinutulungan, at pinapahalagahan ang bawat batang may espesyal na pangangailangan. Taos-puso ang pasasalamat ng mga pamilya at ng buong komunidad sa iyong malasakit at sinserong paglilingkod.

With heartfelt appreciation,
CSN Center Parañaque Community

Maligayang kaarawan sa aking kinikilalang pangalawang ama, Former Councilor, Former Punong Barangay - Ka Rufing Allanigu...
07/04/2026

Maligayang kaarawan sa aking kinikilalang pangalawang ama, Former Councilor, Former Punong Barangay - Ka Rufing Allanigue! Dalangin ko po ang biyaya ng mahabang buhay, malakas na kalusugan, at kasagaan araw araw. Happy birthday, Ka Rufing!

Pinagdiwang ang Leadership Excellence!Tinanggap po natin ngayon  ang Plaque of Leadership Excellence bilang parangal sa ...
16/02/2026

Pinagdiwang ang Leadership Excellence!

Tinanggap po natin ngayon ang Plaque of Leadership Excellence bilang parangal sa ating Outstanding Legislative Leadership bilang Lead Proponent ng City Ordinance Nos. 19-29, 19-33, at 2020-49—na nag-update sa Ordinance 04-22 (Revenue Code of the City of Parañaque). Nagdulot ito ng malaking revenue collections na ipinang tustos at nagamit ng ating Lungsod sa panahon at pagkatapos ng pandemya!

Maraming salamat po sa ating City Treasurer, Dr. Anthony Pulmano, sa pagkilala! Karangalan ko pong gampanan ang aking tungkulin bilang mambabatas at Chairperson ng Committee on Ways and Means sa aking unang dalawang termino, taong 2016-2022.

To God be the Glory!

NAG-UMPISA NA ANG BLACK PROPAGANDA!BABALA sa mga kinauukulan. Napag-alaman po naming mayroong alias *Virgie* at "Jun" na...
19/01/2026

NAG-UMPISA NA ANG BLACK PROPAGANDA!

BABALA sa mga kinauukulan. Napag-alaman po naming mayroong alias *Virgie* at "Jun" na di umano ay empleyado ng kasalukuyang nakaupong Konsehal na nag-iikot sa Barangay San Dionisio at nanghihikayat at nag-aalok ng pera at ginagamit ang pangalan ko para sumama ang tao.

NAIS KO PONG IPAALAM NA MAHIGPIT KO PONG KINUKUNDENA ITO AT WALA PO KAMING KINALAMAN SA NATURANG GAWAIN.

Kung sino man ang nilapitan at naalok at handang tumestigo ay maaaring lumapit sa akin ng personal o mag send ng personal message para makasuhan natin ang mga ITO at di pamarisan. Handa po akong magbigay ng pabuya sa gustong tumestigo sa korte. HINDI PO NATIN KINUKUNSINTE ANG GANITONG GAWAIN.

ITO PO AY MARUMING PARAAN PARA HADLANGAN ANG ATING ADHIKAING MAGLINGKOD SA ATING NASASAKUPAN.

MAG-INGAT PO ANG LAHAT AT MAGING MAPANURI.

Address

Room 314 Legislative Bldg. Parañaque City Hall
Parañaque
1700

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Marvin A. Santos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Councilor Marvin A. Santos:

Shortcuts

Share