21/08/2026
𝙎𝙖𝙖𝙣 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜? 𝙑𝙞𝙙𝙚𝙤 𝙜𝙖𝙢𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝙨𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙢𝙚𝙙𝙞𝙖 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙠𝙞𝙥 𝙗𝙪𝙩𝙖𝙨.
Pagkatapos ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan sa Pilipinas—mga lugar na itinuturing na pangalawang tahanan—isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong bansa. Syempre, gulat nung simula, pero mabilis itong napalitan ng sumbat at turo-turuan. Naghanap agad ang lipunan ng masisisi: ang impluwensya ng mga violent video games, ang sobrang toxicity sa social media, o kaya ang pagkukulang ng mga magulang. May mga nagturo din sa mahinang security sa mga gate ng paaralan at kung gaano kabilis makakuha ng baril sa mga komunidad natin.
Natural lang naman na maghanap tayo ng iisang dahilan kapag may ganitong matinding trahedya. Nagbibigay kasi ito sa atin ng ilusyon na kapag nag-ban lang tayo ng laro, naglagay ng guard, o nagpaalala sa mga magulang, magiging ligtas na ulit ang mga anak natin. Okay na ulit. Pero kung gusto talaga natin silang protektahan, kailangan natin ng lakas ng loob na tigilan ang mga panandaliang mga solusyon at simulang magtanong ng tamang mga mahihirap na tanong.
Bakit at paano ba nasasaktan at napagiiwanan ang isang bata na umabot sa puntong ang pananakit sa iba na lang ang natatangi niyang lunas? Saan parte nga ba sa buhay nila nawala ang p**iramdam na may nagmamahal at tinatanggap sila?
Sa katotohanan, hindi naman nabubuhay ang mga anak natin sa isang vacuum o bubble. Ang violent na video game o ang madilim na sulok ng social media ay hindi gumagawa ng karahasan mula sa wala; pinupunan lang nito ang void na iniwan ng isolation, suliranin ng bullying, at ng mga tahimik na mental health struggles. Ang mahinang school security at mga baril ay hindi ang mismong sanhi ng problema; ito ang nagiging trahedya bilang isang desperate cry for helpat last resort. Habang ang mga magulang naman ay sagad-sagarin sa pagtatrabaho para lang may makain sa hapag, hanggang di na mapansin na unti-unti nang nawawala ang anak nila, hindi lang ito simpleng 'bad parenting'—symptom ito ng isang lipunan na matindi ang pagkukulang sa suporta para sa mga pamilyang Pilipino.
Dahil dito, ang reaksyon ng gobyerno ay madalas na nakakapanlumo sa sobrang kawalan ng alam at p**i. Ang bilis magpanukala ng mga quick fix: mag-deploy ng mas maraming pulis sa paligid ng campus, mag-ban ng mga app o software, o kaya 'yung pagbaba ng age of criminal responsibility. Itinatago ng mga Band-Aid solutions na ito ang kawalan ng matibay na pundasyon sa ugat ng problema.
Ang totoong kulang sa Pilipinas ay isang compassionate at gumaganang safety net para sa kabataan. Kulang na kulang tayo sa mga imprastraktura na inuuna at uunahin ang mga pinaka-volatile na miyembro ng lipunan. Kulang tayo sa accessible at walang stigma na mental health care para sa mga nahihirapan intindihin at bigyan kahulugan ang kanilang mga pinagdadaanan at dinaramdam. Kulang din tayo sa mga matitibay na child protection systems mula palang sa mga barangay na pwedeng sumalo sa isang bata bago pa man niya maisip ang dahas.
Hindi natin pwedeng idaan lang sa pagpupulis ang isang krisis na nagmumula sa puso at isip. Hangga't hindi itinuturing ng ating mga institusyon ang karahasan sa paaralan bilang isang malalim na youth well-being crisis sa halip na simpleng security issue lang, patuloy nating mabibigo ang ating mga anak. Hindi nila kailangan ang galit natin o ang mga knee-jerk ban. Ang kailangan nila ay ang p**inggan natin sila, alagaan, at magtayo ng isang bansa kung saan walang batang makakaramdam ng social isolation kung saan ang paninira na lang ang nagtataning paraan upang makalaya.
📌 Kayo naman, ano ang tingin niyo? Maki-isa sa usapan sa comments:
[1] Sa tingin niyo ba, sapat na ba na i-ban ang mga violent video games o i-regulate ang social media, o ginagawa lang itong dahilan para takpan ang kawalan ng maayos na mental health support sa mga paaralan?
[2] Kailan huling nagkaroon ng seryosong usapan tungkol sa mental health o bullying sa mismong eskwelahan o barangay niyo? Nararamdaman niyo bang may totoong safety net ang mga kabataan ngayon?
[3] Kung may pagkakataon kayong magpanukala ng isang konkretong solusyon sa gobyerno bukod sa paglalagay ng dagdag na pulis sa mga gate, ano ang kauna-unahang pagbabago na gusto niyong makita?