17/08/2026
BAKIT NGA BA BUMABAHA KAHIT MAY TULOY-TULOY NA PAGHAHANDA?
Ang pagbaha sa Parañaque ay hindi bunga ng iisang problema.
Una, matinding pag-ulan. Ayon sa PAGASA, nakatanggap ang Metro Manila at mga kalapit na lugar ng mahigit isang buwang halaga ng ulan mula Agosto 1 hanggang 9, ito ay isang pattern na nagpapakita kung gaano kabilis tumaas ang volume ng tubig. (https://www.dzrh.com.ph/post/12-dead-due-to-combined-effects-of-luis-maymay-and-habagat-ocd)
Related topic: https://pagasa.dost.gov.ph/article/222
Pangalawa, lokasyon. Bilang “southern catch basin” ng Metro Manila, tumatanggap ang Parañaque ng tubig hindi lamang mula sa sariling ulan kundi maging mula sa mas matataas na bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, at mga karatig-lugar. (https://tribune.net.ph/2025/08/15/beyond-the-pumps-2)
Pangatlo, high tide. Kapag mataas ang tubig sa Manila Bay, mas nahihirapang lumabas ang tubig mula sa mga estero, ilog at drainage system. (https://www.philstar.com/nation/2026/08/11/2548432/southernmetroflooding-worsened-high-tide)
Pang-apat, basura. Kahit maayos ang drainage system, ang basurang bumabara sa mga kanal at daluyan ng tubig ay nakapagpapabagal sa daloy at nagpapabilis sa pagtaas ng tubig. (https://www.pna.gov.ph/articles/1281664)
Pero ibig bang sabihin nito ay wala nang solusyon? HINDI.
Patuloy ang trabaho at serbisyo ng, National Government, City Government of Parañaque, at Barangay San Dionisio para tugunan ang hamon ng pagbaha. Pero kailangan din ang pakikiisa ng bawat isa, lalo na sa wastong pagtatapon ng basura at pagpapanatiling malinis ng mga daluyan ng tubig.
👉 Follow ang ating page para sa iba pang updates at hakbang ng Barangay San Dionisio laban sa pagbaha.