21/10/2026
๐จ๐ฃ๐ข๐จ ๐๐ข๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ง
Bilang Chairperson ng Committee on Education at miyembro ng Board of Trustees ng Balian Community College (BCC), dumalo tayo sa Local Colleges Visioning Summit sa University of the Philippines Open University, kasama ang ilang Department Heads at ang Registrar ng BCC, gayundin ang Deputy Administrator, Atty. Noel Viray na kinatawan ni Mayor Gerald Aritao.
Para sa akin, ang pagsusulong ng edukasyon ay hindi natatapos sa mga programa at polisiya. Mahalaga ring patuloy tayong matuto, makinig sa mga bagong pananaw, at humanap ng mga oportunidad na makatutulong sa ating lokal na kolehiyo at sa mga estudyanteng umaasa rito.
Marami pa tayong maaaring gawin at aayusin para sa BCC at para sa kinabukasan ng mga kabataan ng Pangil. ๐๐ค