02/06/2026
Nagkakaisang Liderato, Mas Matatag na Serbisyo para sa Mamamayan!
Pagkatapos nating makipagpulong sa ating mga Punong Barangay at maiparating ang kanilang mga pangangailangan na sa ating mahal na Congressman, Hon. Mark O. Cojuangco, nagkaroon din ng koordinasyon ang ating mahal na Vice Mayor kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan para sa mga paghahanda sa mga programang may direktang pakinabang sa ating mga kababayan.
Kabilang dito ang mga plano at proyekto kaugnay ng Balik-Eskwela, Oplan Kontra-Baha, at iba pang mga inisyatibo para sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at kabuhayan ng ating mamamayan.
Patunay ito na sa Labrador, hindi natatapos ang serbisyo sa mga pulong at plano lamang. Tuloy-tuloy ang pagkakaisa, koordinasyon, at pagkilos upang mas mapalapit ang pamahalaan sa bawat barangay at mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng bawat Labradorian.
Isang layunin. Isang direksyon. Isang nagkakaisang Labrador para sa mas maunlad na kinabukasan.