03/06/2026
Regular Session
(June 2, 2026)
Ang Sangguniang Bayan ay muling nagbigay-pugay sa kahusayan at tagumpay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng paggawad ng Certificate of Commendation sa ating mga bagong g**o na matagumpay na nakapasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET) at ngayo’y ganap nang mga Licensed Professional Teachers (LPT).
Ang kanilang tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa kanilang napiling propesyon. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang karangalang hatid nila sa kanilang pamilya, barangay, at sa buong Bayan ng San Nicolas.
Kasabay nito, kinilala rin ng Sangguniang Bayan ang iba pang mga awardees na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating komunidad sa pamamagitan ng kanilang natatanging tagumpay at kontribusyon sa kani-kanilang larangan. Ang kanilang mga pagkilala ay patunay na ang sipag, disiplina, at determinasyon ay nagbubunga ng tagumpay at nagiging inspirasyon sa iba.
Nawa’y magsilbi silang huwaran sa ating mga kabataan at maging inspirasyon sa lahat na patuloy na mangarap, magsikap, at magtagumpay. Higit sa lahat, nawa’y gamitin nila ang kanilang mga kakayahan at tagumpay upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan at sa kapakanan ng ating kapwa.
Muli, taos-puso nating binabati ang lahat ng mga bagong Licensed Professional Teachers at iba pang mga awardees. Nawa’y patuloy kayong maging ilaw ng kaalaman, huwaran ng kabutihan, at instrumento ng positibong pagbabago para sa ating bayan at sa buong bansa.