03/06/2026
PAALALA AT BABALA SA LAHAT NG MAY-ARI NG TINDAHAN AT ESTABLISIMYENTO! BAWAL MAGBENTA NG ALAK, SIGARILYO AT V**E SA MENOR DE EDAD
Ang pagbebenta ng alak, sigarilyo, at v**e sa mga menor de edad ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Ang sinumang lalabag ay maaaring maharap sa multa, pagkakakulong, at iba pang kaukulang parusa.
Ang mga produktong ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan, pag-aaral, at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Hinihikayat ang lahat ng mga may-ari ng tindahan at establisimyento na maging mapanuri at responsable sa pagbebenta ng mga produktong may age restriction. Huwag mag-atubiling humingi ng valid ID upang matiyak ang edad ng mamimili.
Sa pagtutulungan ng komunidad, magulang, at mga awtoridad, mapapanatili nating ligtas at malayo sa bisyo ang ating mga kabataan.