14/06/2026
Youth Forum 2026 | Sangguniang Kabataan ng Poblacion
Nagtipon-tipon ang mga kabataan ng Poblacion sa pangunguna ni SK Chairman Hector Castillo Jr., sa isang makabuluhang Youth Forum na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman, partisipasyon, at kamalayan sa mga usaping mahalaga sa kanilang kinabukasan.
Bukod sa mga talakayan at gawaing pangkabataan kasama sina Dr. Gillen Vuelta, Dr. Mark Jay Garibay at Engr. Leoneil Caalim, isinagawa rin ang pamamahagi ng school supplies at hygiene kits upang makatulong sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa panibagong taon ng pag-aaral. Nagkaroon din ng libreng gupit mula sa Anda LGBTQI+ community bilang bahagi ng programang nagtataguyod ng kalinisan at maayos na pangangalaga sa sarili.
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang Joganie Cardona Rarang sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion, mga volunteers, at lahat ng katuwang na naging daan upang maisakatuparan ang programang ito. Patuloy nating suportahan ang mga kabataan at bigyan sila ng mga oportunidad upang maging aktibo, responsable, at produktibong mamamayan ng ating bayan.
Kabataan ang pag-asa ng bayan—sama-sama nating hubugin ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat. 💙
KAALUYON SA IDAP TAN INUM-AY