07/11/2025
PAUNAWA SA LAHAT NG BARANGAY
Petsa: Nobyembre 7, 2025
Para sa: LAHAT NG PUNONG BARANGAY AT MGA KAGAWAD
Mula kay: Kgg. Amado B. Tabingo Jr., Liga President
Paksa: Paghahanda para sa Paparating na Super Bagyong “Uwan”
________________________________________
Alinsunod sa direktiba ng ating Municipal Mayor ng Bayan ng Tayug, Kgg. Atty. Tyrone D. Agabas, at bilang pag-iingat sa nalalapit na pagdating ng Super Bagyong “Uwan” na inaasahang magdudulot ng matitinding pag-ulan, malalakas na hangin, pagbaha, at posibleng pagguho ng lupa, ang lahat ng Barangay sa Bayan ng Tayug ay pinapaalalahanang maghanda at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang pangkaligtasan.
Alinsunod dito, inaatasan ang lahat ng Punong Barangay na:
1. Makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa mga abiso at koordinasyon.
2. Magsagawa ng pagpupulong kasama ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC).
3. Ihanda ang mga evacuation center at tiyaking may sapat na pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
4. Magbigay ng maagang abiso sa mga residente, lalo na sa mga nakatira sa mababang lugar o tabing-ilog.
5. Magtalaga ng mga mga Kagawad, tanod at volunteers na magsisilbing bantay at tutulong sa agarang paglikas kung kinakailangan. Kung maaari ay simula ngayon ay magkaroon ng 24 oras na may nakaduty sa Barangay Hall.
6. Patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon at sumunod sa mga opisyal na anunsyo ng PAGASA at MDRRMO Tayug.
Ang maagap na pagkilos at pagtutulungan ng bawat Barangay ay napakahalaga upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.
Manatiling alerto, handa, at mapagmatyag.
Maraming salamat sa inyong agarang aksyon at pakikiisa.