27/03/2026
IN PHOTOS | ๐๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ : 1ST SEMESTER C.Y 2026! โจ
Matagumpay na naisagawa ang KK Assembly sa Brgy. Cabayaoasan Public Auditorium noong March 21, 2026. Naging masigla at makabuluhan ang talakayan ukol sa mga gawaing pangkabataan at mga programang nakalaan para sa ating komunidad.
Ang inyong pagdalo ay isang malaking hakbang upang sama-sama nating matugunan ang pangangailangan ng kabataan ng Barangay Cabayaoasan. Ipinakita ninyo na ang boses ng kabataan ay mahalaga, may direksyon, at may kakayahang magdala ng tunay na pagbabago.
Nakiisa ang lahat sa pagpaplano para sa budget ngayong 2026, kung saan masusing tinalakay ang mga prayoridad na proyekto at mga programang direktang makikinabang ang mga kabataan. Tinalakay ang bawat proyekto at aktibidad na natapos nitong mga nakaraang taon at buwan, ang estado ng pondo at kaperahan ng SK Cabayaoasan, gayundin ang mga nalalapit na programa at aktibidad sa barangay.
Nagkaroon din ng open forum upang malayang maibahagi ang saloobin, suhestiyon, at mga bagong ideya para sa mas makabuluhang proyektong pangkabataan.
Lubos kaming nagpapasalamat sa bawat kabataang dumalo, nakibahagi, at nagbigay ng kanilang oras at opinyon.
Ang inyong aktibong partisipasyon ang patunay na handa ang kabataan ng Cabayaoasan na maging katuwang sa paghubog ng mas maunlad, mas inklusibo, at mas progresibong barangay.
Patuloy tayong magkaisa, makilahok, at makialamโdahil ang kabataan ang pag-asa at lakas ng ating komunidad.๐ค๐
Maraming Salamat! Dios ti agngina kadatayo aminโจโ๏ธ