21/07/2026
π’ Capacity Building of the Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)
Noong Hulyo 20β21, 2026, matagumpay na dinaluhan ng mga kinatawan ng Barangay Nalsian ang Capacity Building of the Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) on Functionality Assessment na ginanap sa Regional Evacuation Center, Barangay Pugaro, Manaoag, Pangasinan.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BCPC sa tamang pagpapatupad ng mga programa, polisiya, at mekanismo para sa pangangalaga at pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata, gayundin ang paghahanda sa BCPC Functionality Assessment.
Patuloy na nagsisikap ang Barangay Nalsian na maging isang ligtas, mapagkalinga, at child-friendly na komunidad sa pamamagitan ng mas epektibong pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng bawat bata.