Tayug Municipal Government

Contact the organization

Tayug Municipal Government Welcome to the official page of the Local Government Unit (LGU) of Tayug, Pangasinan! In 1837, Tayug was ceded to the Province of Pangasinan.

Here, you'll find the latest news, updates, and information about our beloved municipality. πŸ’– Tayug was first organized as a municipality in the Province of Nueva Ecija on February 4, 1817. In 1851, it was once again incorporated with the Province of Nueva Ecija. Not until 1864 was Tayug again made a part of Pangasinan. The town of Tayug got its name from a very tall tree that once grew in the heart of the town. The Bacayao tree was so tall that in Ilocano they call it β€œLayug”. Due to the difficulty of the people to pronounce the letter β€œL”, they changed it to the letter β€œT” by common usage. Hence, the name TAYUG came about.

π—§π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—£π—”π—§π—¨π—‘π—šπ—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—§π—”π—•π—”π—žπ—’ 🌱Sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug, sa pangunguna nina Mayor Tyrone D. ...
05/10/2026

π—§π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—£π—”π—§π—¨π—‘π—šπ—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—§π—”π—•π—”π—žπ—’ 🌱

Sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug, sa pangunguna nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, isinagawa ang isang talakayan at forum tungkol sa alternatibong pagtatanim ng tabako bilang isa sa mga maaaring pagkunan ng dagdag na kita at kabuhayan para sa ating mga magsasaka.

Pinangasiwaan naman ang programa ni Municipal Agriculturist Rosario β€œRey” Licayan, sa tulong ng mga kinatawan mula sa Universal Leaf Philippines, Inc., sa pangunguna ni Project Manager Roda Kate A. Garalde, at ng National To***co Administration, na pinangunahan ni OIC-Manager Alma G. Toralba.

Nagbigay rin ng mensahe si Vice Mayor Lorna L. Primicias, kung saan ibinahagi niya ang kanyang pananaw at karanasan sa pagtatanim ng tabako, bilang pakikiisa at pagbibigay ng kaalaman sa ating mga magsasaka.

Nakiisa rin sa nasabing forum sina Councilor Samuel Manzano at Councilor Michael Dy, na nagpaabot ng kanilang suporta sa mga programa at talakayang nakatuon sa kapakanan at kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Naging bahagi at nagpaabot din ng suporta sa nasabing talakayan si Mr. Joel D. Tan, Chairman of the Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC), bilang pakikiisa sa mga programang naglalayong makatulong sa ating mga magsasaka.

Mahalaga ang mga ganitong talakayan upang mabigyan ang ating mga magsasaka ng karagdagang kaalaman at pagpipilian sa mga alternatibong pananim na maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.

Patuloy ang ating suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura at kabuhayan ng ating mga magsasaka. 🌾🀝

ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’ππ„π€πŠπ„π‘ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„πŠπ“πŽπ‘ 𝐍𝐆 π“π€π˜π”π†, πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€Pormal na ipinamahagi ang mga bagong speak...
04/10/2026

ππ€πŒπ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’ππ„π€πŠπ„π‘ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„πŠπ“πŽπ‘ 𝐍𝐆 π“π€π˜π”π†, πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€

Pormal na ipinamahagi ang mga bagong speaker para sa mga opisyal ng Barangay Health Workers (BHW), Muslim Community, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Zumbagets, bilang bahagi ng patuloy na mga programa ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng ating Butihing Mayor Tyrone D. Agabas, katuwang si Vice Mayor Lorna Primicias. Nakiisa rin sa gawaing ito sina Sangguniang Bayan Member Hon. Sam Manzano at Hon. Michael R. Dy.

Malaki ang maitutulong ng mga kagamitang ito upang mas mapalakas ang koordinasyon ng bawat grupo, mapabilis ang pagpapakalat ng impormasyon, at maging mas epektibo ang pagpapatupad ng mga aktibidad at programa sa ating bayan.

Taos-pusong tinanggap ng mga kinatawan ng bawat sektor ang mga kagamitan, bilang pagkilala na rin sa kanilang mahalagang papel at ambag tungo sa isang mas maunlad at inklusibong Tayug.

🧹 REGULAR CLEANING AND FLUSHING SA TAYUG PUBLIC MARKETNgayong araw, isinagawa ang regular cleaning and flushing activity...
03/10/2026

🧹 REGULAR CLEANING AND FLUSHING SA TAYUG PUBLIC MARKET

Ngayong araw, isinagawa ang regular cleaning and flushing activity sa Tayug Public Market, sa pagtutulungan ng mga LGU employees, Bureau of Fire Protection (BFP) personnel, at ilang volunteers.

Regular na isinasagawa ang ganitong aktibidad upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at maayos na sanitation sa ating pampublikong pamilihan. Mahalaga ito upang mabawasan ang naipong dumi, mabahong amoy, at iba pang maaaring pagmulan ng bacteria at sakit, lalo na sa lugar na araw-araw na ginagamit ng ating mga nagtitinda at mamimili.

Malaking bahagi ng pagpapanatiling malinis at maayos ng ating palengke ang kanilang oras, pagod, at sama-samang pagkilos.

πŸ‘ Maraming salamat at saludo sa ating mga LGU employees, BFP personnel, at volunteers sa kanilang serbisyo at pagtutulungan para sa isang mas malinis, maayos, at ligtas na Tayug Public Market.

Patuloy nating pahalagahan at suportahan ang mga ganitong gawain para sa kapakanan ng buong komunidad.

πŸ’¦ Malinis na palengke, responsibilidad nating lahat!



π—£π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—‘π—”π—¬ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—›π—”π—›π—”π—‘π——π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—–π—›π—œπ—Ÿπ—— π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 πŸ§‘β€πŸ«β€οΈSa inisyatiba at suporta nina Mayor Tyrone D. Agabas...
03/10/2026

π—£π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—‘π—”π—¬ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—›π—”π—›π—”π—‘π——π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—–π—›π—œπ—Ÿπ—— π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 πŸ§‘β€πŸ«β€οΈ

Sa inisyatiba at suporta nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, matagumpay na isinagawa ang dalawang-araw na First Aid and Basic Life Support (BLS) Seminar para sa mga Child Development Workers, na ginanap noong September 23–24, 2026 sa Tayug Training and Assessment Center.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng ating mga Child Development Workers sa wastong pagbibigay ng first aid at Basic Life Support, gayundin ang tamang pagtugon sa mga emergency situation. Sa pamamagitan nito, mas napaghahandaan nila ang mga sitwasyong maaaring mangailangan ng agarang tulong at pangangalaga.

Pinangunahan ang nasabing programa ng Bureau of Fire Protection – Tayug, sa pangunguna ni FINSP Ernesto A Credo Jr., Acting Municipal Fire Marshal, kasama sina FO2 Divine Grace B Arquero, FO1 Shiela Joyce D Palis, FO1 John Patrick V Badiola, at FO1 Daniel Christian P Juarizo, na nagsilbing mga trainers sa nasabing programa.

Naging bahagi rin ng matagumpay na pagsasagawa ng programa ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer na si Ms. Klebsheila Maria Corpuz, kasama ang mga Municipal Links sa pangunguna ni Ms. Darlen Rose Orpia, na nagsupervise at tumulong sa maayos na pagpapatupad ng nasabing aktibidad.

Nagpaabot din ng kanilang suporta at presensya sina Councilor Samuel Manzano at Councilor Michael Dy, bilang pakikiisa sa mga programang naglalayong dagdagan ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng ating mga Child Development Workers.

Patuloy nating palawakin ang ating kaalaman at kahandaan sa mga pangunahing hakbang sa first aid at emergency response. Sa simpleng paghahanda at pagiging alerto, mas magiging maayos ang ating pagtugon sa anumang hindi inaasahang sitwasyon.

Maging handa, manatiling kalmado, at laging magmalasakit sa kapwa. ❀️

π‚π¨π§πœπ«πžπ­π’π§π  𝐨𝐟 π…πšπ«π¦-𝐭𝐨-𝐌𝐚𝐫𝐀𝐞𝐭 π‘π¨πšπ 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 π™πšπ¦π¨π«πšMagandang balita para sa ating mga magsasaka at residente ng Brgy. Z...
02/10/2026

π‚π¨π§πœπ«πžπ­π’π§π  𝐨𝐟 π…πšπ«π¦-𝐭𝐨-𝐌𝐚𝐫𝐀𝐞𝐭 π‘π¨πšπ 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 π™πšπ¦π¨π«πš

Magandang balita para sa ating mga magsasaka at residente ng Brgy. Zamora! πŸ›£πŸŒΎ

Tuloy-tuloy ang progreso ng ating Farm-to-Market Road Project! Sa bawat bahaging natatapos, mas napapadali ang biyahe ng ating mga kababayan at mas mabilis na naipaparating ang mga huling ani sa palengke.

Taos-pusong pasasalamat sa ating masipag na π‚π¨π§π π«πžπ¬π¬π°π¨π¦πšπ§, 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐌𝐚𝐫π₯𝐲𝐧 𝐏𝐫𝐒𝐦𝐒𝐜𝐒𝐚𝐬-π€π πšπ›πšπ¬, at sa Lokal na Pamahalaan ng Tayug sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias para sa patuloy na pagsuporta sa ating sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Patuloy ang ating pag-agapay para sa mas maunlad at mas konektadong bayan ng Tayug! ✨

πŸ“ŠπŸ‡΅πŸ‡­ ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π“π€π˜π”π†, ππ€πŠπˆπŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 πŸ‘πŸ•π“π‡ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π’π“π€π“πˆπ’π“πˆπ‚π’ πŒπŽππ“π‡ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ“ŠNakikiisa ang Bayan ng Tayug sa buong bansa sa pagdir...
02/10/2026

πŸ“ŠπŸ‡΅πŸ‡­ ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π“π€π˜π”π†, ππ€πŠπˆπŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 πŸ‘πŸ•π“π‡ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π’π“π€π“πˆπ’π“πˆπ‚π’ πŒπŽππ“π‡ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ“Š

Nakikiisa ang Bayan ng Tayug sa buong bansa sa pagdiriwang ng 37th National Statistics Month (NSM) ngayong Oktubre 2026, na may temang:

🌟 β€œTuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism”

Binibigyang-diin ng pagdiriwang na ito ang mahalagang papel ng estadistika at datos sa pagbuo ng mga makabuluhang programa, polisiya, at desisyon para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga komunidad.

Sa larangan ng turismo, ang maaasahan at napapanahong datos ay mahalaga upang mas maunawaan ang mga oportunidad, pangangailangan, at potensyal ng bawat lugar. Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang mga hakbang tungo sa isang inklusibo, matatag, at napapanatiling turismo.

Kaisa ang Bayan ng Tayug sa pagsusulong ng kahalagahan ng datos at estadistika bilang gabay tungo sa mas maayos na pagpaplano, mas matalinong pagpapasya, at mas progresibong kinabukasan.

πŸ“Š Tuklasin ang datos. Gamitin ang estadistika. Sama-sama para sa mas maunlad na Pilipinas!


🚧 PROJECT UPDATE: ZAMORA ROAD SHOULDERING 🚧Patuloy ang pagsasaayos at pagpapalawak ng kalsada sa Barangay Zamora bilang ...
01/10/2026

🚧 PROJECT UPDATE: ZAMORA ROAD SHOULDERING 🚧

Patuloy ang pagsasaayos at pagpapalawak ng kalsada sa Barangay Zamora bilang bahagi ng mga hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko at maging mas ligtas at maayos ang pagbiyahe ng ating mga kababayan.

Isinasagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Barangay Council of Zamora, sa pangunguna ni PB David De Leon, para sa patuloy na pag-unlad ng kanilang barangay.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Tayug, sa pamumuno nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias, na maisulong ang mga programang makatutulong sa pagpapabuti ng imprastraktura at serbisyo para sa bawat Tayugenians.

Layunin nito na mapalawak ang kalsada para sa mas maayos na biyahe ng bawat isa. Sama-sama nating pagandahin at paunlarin ang ating komunidad.

🫁 COUGH CARAVAN 2026 | Tayug, PangasinanSa inisyatiba nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, nagi...
01/10/2026

🫁 COUGH CARAVAN 2026 | Tayug, Pangasinan

Sa inisyatiba nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, naging matagumpay ang isinagawang Cough Caravan 2026 noong Setyembre 25, 2026 sa Tayug Municipal Gymnasium.

Sa pangunguna ni Dr. Fatima May Z. Caguioa at ng mga kawani ng Municipal Health Office (MHO), naisakatuparan ang programa sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan nina Hera Ma C. Mejia, Nurse TB Coordinator mula sa Eastern Pangasinan District Hospital; Julius Bautista at John Keneth Garcia, mga X-ray Provider mula sa RCG Premier Foundation Inc. at Philippine Business for Social Progress (PBSP).

Ang Cough Caravan ay mahalagang hakbang sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at pagtukoy sa mga posibleng kaso ng Tuberculosis (TB) at iba pang sakit sa baga, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapagpasuri, makatanggap ng wastong payo, at maagapan ang anumang kondisyon bago ito lumala.

Higit sa lahat, ang ganitong programa ay nagpapaalala sa atin na ang kalusugan ay sama-samang responsibilidad. Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan, mga health workers, katuwang na ahensya, at komunidad, mas napapalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Tayugenian. πŸ’š

Para sa mas malusog na Tayugβ€”patuloy tayong kumikilos, naglilingkod, at nagmamalasakit.

πŸ”πŸŒ­ REGISTRATION FOR FOOD BAZAAR IS NOW ONGOING! πŸŒ­πŸ”πŸ“’ Calling all Tayugenians and food entrepreneurs!Bukas na ang registra...
30/09/2026

πŸ”πŸŒ­ REGISTRATION FOR FOOD BAZAAR IS NOW ONGOING! πŸŒ­πŸ”

πŸ“’ Calling all Tayugenians and food entrepreneurs!

Bukas na ang registration para sa Food Bazaar ng Municipality of Tayug! πŸŽ‰

Kung nais ninyong maging bahagi ng Food Bazaar at magkaroon ng pagkakataong maipakita at maibenta ang inyong mga produkto, magparehistro na! πŸ“βœ¨

πŸ“… REGISTRATION DEADLINE: OCTOBER 19, 2026

πŸ“Œ For inquiries and registration details:
Please look for Mr. Gheson A. Divina or any representative from the Business Permit and Licensing Office (BPLO).

🌟 Tayugenians, tara na! Maging bahagi ng ating Food Bazaar at sama-sama nating suportahan ang ating mga lokal na food entrepreneurs! πŸ’šπŸ§‘



𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜: 𝗣𝗔𝗧𝗛π—ͺ𝗔𝗬 𝗖𝗒𝗑𝗖π—₯π—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—§π—”π—¬π—¨π—š π—‘π—˜π—ͺ π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—–π—˜π— π—˜π—§π—˜π—₯𝗬Kasalukuyang isinasagawa ang concreting ng mga pathway sa...
30/09/2026

𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜: 𝗣𝗔𝗧𝗛π—ͺ𝗔𝗬 𝗖𝗒𝗑𝗖π—₯π—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—§π—”π—¬π—¨π—š π—‘π—˜π—ͺ π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—–π—˜π— π—˜π—§π—˜π—₯𝗬

Kasalukuyang isinasagawa ang concreting ng mga pathway sa Tayug New Public Cemetery bilang bahagi ng paghahanda ng Pamahalaang Lokal ng Tayug para sa nalalapit na Undas 2026.

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at kaginhawang daanan para sa ating mga kababayan na bibisita at mag-aalala sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, kasama ang buong Pamahalaang Lokal, bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang mga pampublikong pasilidad at serbisyo para sa bawat Tayugenians.

Patuloy ang serbisyo, patuloy ang pagkilos para sa mas maayos at ligtas na Tayug! ❀️

Address

Tayug
Pangasinan
2445

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tayug Municipal Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tayug Municipal Government:

Shortcuts

Share