23/09/2026
๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐ฎ๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐๐ง๐๐๐ซ-๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ -๐๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
Matagumpay na isinagawa ng Department of AgricultureโRegional Field Office IIIโSpecial Area for Agricultural Development (DA-RFO IIIโSAAD) ang Gender and Development (GAD) Training-Workshop para sa mga project implementers noong Setyembre 14โ18, 2026, sa 456 Hotel, Baguio City.
Layunin ng limang araw na training-workshop na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga project implementers sa pagsasama ng gender perspective sa pagpaplano, pagpapatupad, pagsubaybay, at pagsusuri ng mga programa at proyekto sa sektor ng agrikultura.
Bahagi rin ng aktibidad ang patuloy na pagsusulong ng gender equality at womenโs empowerment sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, alinsunod sa Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women, na nagtataguyod ng gender mainstreaming sa mga polisiya, programa, proyekto, at proseso ng mga ahensya ng pamahalaan.
Pinangunahan ni GAD Focal Person Dr. Milagros Manggat, kasama ang resource speaker na si May Saludez, ang mga talakayan ukol sa mga batayang konsepto ng GAD at gender mainstreaming. Tinalakay rin ang kahalagahan ng gender statistics, pagtukoy sa gender issues at gender objectives, gayundin ang paggamit ng gender analysis tools bilang gabay sa pagbuo at pagpapatupad ng mga gender-responsive na programa at proyekto.
Mahalagang bahagi rin ng workshop ang paggamit ng Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) bilang tool sa pagsusuri ng gender-responsiveness ng mga programa at proyekto ng Kagawaran. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsagot sa HGDG checklist, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong mailapat ang kanilang mga natutuhan sa pagsusuri at pagpapahusay ng mga programa at proyekto.
Dinaluhan ang training-workshop ng 45 GAD implementers, kabilang ang 21 lalaki at 24 babae, mula sa DA-RFO III at mga kinatawan ng Municipal Agriculture Offices (MAOs) ng San Clemente, Ramos, at Anao, Tarlac, at Nampicuan, Nueva Ecija.
Bilang bahagi ng pagtatapos ng training-workshop, nagpresenta ang bawat banner program ng kanilang mga output na nagpapakita ng aplikasyon ng mga konsepto, proseso, at gender analysis tools na tinalakay sa aktibidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na capacity-building, layunin ng DA-RFO IIIโSAAD na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga implementers na isaalang-alang ang magkakaibang pangangailangan, karanasan, at kalagayan ng kababaihan, kalalakihan, at iba pang sektor sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.