07/09/2026
September 07, 2026 | Monday
UNANG HANDOG PARA SA ATING MGA JOSEPHIANS!โค๏ธ๐ฒ
Batch 1 ( FATIMA TO PLAZA ) ng ating Free Hot Meals for Barrio San Jose, DONE! Sa gitna ng baha at mga pagsubok na kinakaharap ng ating komunidad, isang mainit na kilayin at kanin ang munting paraan upang maipadama na walang Josephian ang nag-iisa.
Ang bawat supot ng pagkain ay hindi lamang pagkainito ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at pusong handang magbahagi lalo na sa pinakamahihirap na panahon.
Taos-pusong pasasalamat sa Jaz Catering sa kanilang bukas-palad na pagsuporta at pag-sponsor ng mga pagkain para sa ating mga Josephians.
Sa panahon ng baha, sama-sama tayong umaahon; sa panahon ng pangangailangan, sama-sama tayong nagbabahagi๐ค๐