03/11/2025
๐ข PABATID SA PUBLIKO | PAGHAHANDA PARA SA BAGYONG โTINOโ
Bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng Bagyong Tino, ipina-aabot ng LGU Magsaysay, Palawan ang mga sumusunod na abiso:
๐ง๏ธ KLASE AT TRABAHO
โข Suspendido na po ang lahat ng klase simula ngayong hapon, Nobyembre 3, 2025. (Memo No. 48 s. 2025)
โข Suspendido rin ang pasok sa lahat ng opisina sa munisipyo bukas, Nobyembre 4, 2025 (Memo No. 49 s. 2025), upang mabigyan ng oras ang lahat na makapaghanda at maisecure ang kani-kanilang mga tahanan.
โ PAALALA SA MGA MAY-ARI NG BANGKA
Lahat ng may-ari ng anumang uri ng bangka ay pinapaalalahanang siguruhin ang inyong mga bangka at ilipat sa ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang pinsala.
๐ PAGHAHANDA SA POSIBLENG PAGLIKAS
Ihanda na rin po ang inyong go-bag na naglalaman ng mahahalagang gamit tulad ng pagkain, tubig, gamot, flashlight, at mga dokumento, sakaling kailanganing lumikas.
Ang MDRRMO Magsaysay ay patuloy na nagsasagawa ng kinakailangang paghahanda at pagbabantay sa sitwasyon.
Kung may mga ulat, update, o emergency, agad na tumawag sa MDRRMO hotline numbers:
(0970) 316 7558
(0966) 862 3576
Manatiling alerto at makinig sa mga opisyal na anunsyo. Maging alerto at mag-ingat po tayong lahat!