26/03/2026
“Cultivating Equality: Gender and Sensitivity Awareness in Mushroom Production for Rural-Based Organizations”
Isinagawa ang tatlong araw na pagsasanay noong Marso 24–26, 2026 sa RBO Center Compound ng Municipal Agriculture Office na dinaluhan ng mga kasapi ng iba’t ibang Rural-Based Organizations (RBOs). Layunin nitong mapalawak ang kaalaman sa produksyon ng Puting kabute at maisulong ang Gender Equality at Sensitivity sa Sektor ng agrikultura.
Tinalakay sa unang araw ang Gender and Development (GAD) upang mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa usaping pangkasarian at mga lektura at praktikal na gawain sa mushroom production.. Sa ikalawang araw, naman ay sinimulan diumano ang paghahalo ng mga sangkap na kinakailangan sa pagtatanim ng puting kabute at kinahapunan naman ay inisterlized ito upang mapatay ang mga mikroboyo at bakterya. Sa ikatlong araw, inihango ang mga inisterelized na pinaghalong sangkap sa pagtatanim upang ito ay taniman ng tinatawag na "SPAWN" o buto ng Puting Kabute. at kasabay nito ay pagbibigay/pag aaward ng Sertipikasyon sa mga participants na nakilahok sa training na ito.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagsasanay sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok, gayundin sa pagpapalaganap ng inklusibo at pantay na partisipasyon sa agrikultura.