21/04/2026
Good day, ka-Barangay Aramaywan!
Pormal nang binuksan ang Under 19 Inter-Barangay League Manunggol Basketball Tournament.
Bagamat hindi tayo pinalad sa unang laban, lubos pa rin tayong nagpapasalamat sa husay, galing, at pusong ipinakita ng ating mga manlalaro. Kaunti man ang naging agwat sa dulo, ipinakita naman nila ang determinasyon at magandang laban na dapat nating ipagmalaki.
Nawaβy magpatuloy ang magandang performance ng ating team sa mga susunod pang laro. Patuloy po nating suportahan at palakasin ang loob ng ating mga manlalaro.
Laban lang, Barangay Aramaywan!