17/07/2026
ππππ ππ'π πππππππ-ππππ ππππ ππ ππππππ ππππππ ππ ππππππππ!
Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang lahat ng mga magulang, lolo at lola, at tagapag-alaga na may mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan na makiisa sa isasagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) at Vitamin A Supplementation ng Municipal Health Office ng Pagbilao.
Mula Agosto 10 hanggang 28, 2026, dalhin at pabakunahan ang inyong mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination site na naitatalaga ng bawat barangay.
Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mga impormasyong nakabatay sa siyensya upang maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at rubella. Ang pagbibigay rin ng Vitamin A ay mahalaga upang makatulong sa pagpapanatiling malusog at matibay ang resistensya ng ating mga kabataan.
Para sa iskedyul ng pagbabakuna at mga vaccination site, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers (BHWs) o bumisita sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Station.
Ang mga bakunang ito ay ligtas, epektibo, at libre.
Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga anak. Kapag bakunado ang bata, protektado ang pamilya at ang komunidad.
Tara na, magpabakuna na! Sama-sama tayo para sa Ligtas Tigdas. Walang batang maiiwanan! π