01/06/2026
June 1, 2026 | Sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026 na isinagawa ngayong araw, binisita ng inyong lingkod ang mga pampublikong paaralan sa ating bayan upang makapanayam ang ating mga punong-guro at personal na masuri ang kahandaan ng bawat paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Naging mahalagang pagkakataon din ito upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng ating mga paaralan at matukoy ang mga pangangailangang dapat mabigyan ng agarang atensyon. Sa tulong ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng iba't ibang sektor, masisiguro nating magiging handa ang ating mga paaralan para sa isang ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.