06/05/2026
๐๐๐ฌ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐, ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ ๐ก๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ซ๐๐ง ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐
Pormal na ipinagkaloob noong ika-07 ng Abril 2026 ang isang combine harvester na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso sa Gabay sa Kaunlaran Agricultural Cooperative, isang samahan ng 81 magsasaka mula sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang nasabing kagamitan ay inaasahang magpapabilis at magpapagaan sa proseso ng pag-aani ng palay, na magreresulta sa mas mataas na produktibidad at kita ng mga benepisyaryo. Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura at pagpapalakas ng kabuhayan sa komunidad.
Ayon kay G. Norming Mosca, Chairperson ng samahan, malaki ang maitutulong ng combine harvester sa kanilang operasyon. โAko po bilang pangulo ng Gabay, ay taos-pusong nagpapasalamat kasama ng aking mga kasapi ng samahan sa ibinigay niyo po. Malaking tulong sa amin ang kagamitan na ito sa pag-aani ng palay. Nangangako po kami na ito ay aming aalagaan at pagyayabungin para sa mga kasaping magsasaka,โ aniya.
Mainit na binati ni Assistant Regional Director Emerito A. Narag, Ph.D. ang samahan, โItong project na ito, masuwerte kayo kasi sa dami ng nag-aapply ng livelihood, isa kayo sa napiling bigyan at nagbunga yung pagsisikap niyo. Itong binigay ng DOLE ay isang assistance o grant, at wala kayong babayaran dito. Alagaan niyong mabuti ang harvester na ito upang magtagal at makatulong sa inyo at mag increase ang inyong income dun sa inyong farm. Hindi lahat ay naakaka avail ng livelihood dahil tinitingnan din namin ang capacity ng isang samahan. Kaya pagbutihin ninyo at i-manage nyo ng maayos itong ibinigay sa inyoโโ.
Nagpasalamat din si Gng. Jinky Cleofe, Secretary, sa tulong pangkabuhayan na natanggap. โAng ipinagkaloob na combine harvester ay isang napakalaking tulong sa aming samahan. Dahil dito, mapapabilis ng bawat kasapi ang pag-aani ng palay. Makakasabay na din kami sa makabagong teknolohiya sa larangan ng pagsasaka. Makakadagdag din ito sa negosyo ng aming samahan gayundin sa aming kikitain.โ
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal at miyembro ng kooperatiba, kasama ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang suporta sa proyekto.
Sa kabuuan, layunin ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na tulungan ang mga samahan at indibidwal na mapabuti at mapanatili ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan upang makapagsimula, mapalago, at mapahusay ang kanilang mga proyektong pangkabuhayan.
END/MARJORIE M. TAMARES
Para sa iba pang mga impormasyon at updates, i-like at i-follow ang aming Official page DOLE Oriental Mindoro at Department of Labor and Employment - MIMAROPA