18/08/2026
๐ข ANUNSYO: SUSPENSIYON NG FACE-TO-FACE CLASSES
Batay sa PAGASA General Flood Advisory No. 4 para sa Region IV-B (MIMAROPA) na inilabas ngayong 18 Agosto 2026, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagtaas ng tubig sa mga ilog at tributaries, gayundin ng posibleng flash floods at landslides, partikular sa mga mabababang lugar at lugar na malapit sa kabundukan.
Dahil dito, at higit sa lahat upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, SUSPENDIDO ang face-to-face classes bukas, 19 Agosto 2026.
Gayunpaman, ang suspensiyon ng face-to-face classes ay hindi nangangahulugan ng paghinto ng pagkatuto. Upang maipagpatuloy ang learning process, ang ating paaralan ay gagamit ng Alternative Delivery Mode (ADM).
Ang mga g**o ay magbibigay at magpapadala ng mga learning activities, instructions, at iba pang kinakailangang gawain sa pamamagitan ng class/group chats (GCs). Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na manatiling updated at regular na makipag-ugnayan sa kanilang mga g**o.
Paalala: Manatili sa ligtas na lugar, iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng landslide, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA, LGU, at iba pang kinauukulang ahensya.
Unahin natin ang kaligtasan habang patuloy nating isinusulong ang pagkatuto.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ๐