11/03/2026
PABATID PUBLIKO!!
Bilang pagtugon sa Office of the President Memorandum Circular No. 114 na nagtatakda ng apat (4) na araw na work week sa mga ahensya ng pamahalaan, ipinababatid sa publiko na ang Pamahalaang Bayan ng Bansud ay bukas lamang mula Lunes hanggang Huwebes, mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng hapon.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 09, Series of 2026, na nagpapatupad ng pansamantalang four-day work week at energy conservation measures sa Local Government Unit ng Bansud, Oriental Mindoro, na nagsimulang ipatupad noong March 9, 2026.
Gayunpaman, ang mga tanggapang nagbibigay ng essential at frontline public services tulad ng mga sumusunod ay hindi sakop ng nasabing work arrangement:
• Municipal Health Office
• Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
• Municipal Social Welfare and Development Office
• Municipal Engineering Office – Environment/Sanitary Services
• Municipal Mayor’s Office – Civil Security
Ang mga nasabing tanggapan ay magpapatuloy sa kanilang kasalukuyang work schedule upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Ang kautusang ito ay mananatiling ipinatutupad hanggang sa ito ay bawiin, baguhin, o magkaroon ng panibagong kautusan mula sa Office of the President o sa Pamahalaang Bayan ng Bansud.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
"Dahil Ang Gusto Natin Simple Lang Malinis Mapayapa at Maunlad na Bayan ng Bansud."