JTD Joseph The Dreamer

JTD Joseph The Dreamer GUIDED AND GROUNDED
Business | Motivational | Lifestyle

11/10/2026

BRAND NEW AIRCON NG PRO AIRE? OLI APPROVES! 🤩

Nag-pick up kami sa warehouse ng PRO AIRE ng 2.5HP Daikin Split Type Aircon. At siyempre, may kasama tayong quality checker na walang mintis sa pag-inspect!

Approved na! Ready na ’to for delivery ngayong Monday.

Sa PRO AIRE, quality muna bago delivery para kampante ang customer.

Ako si Joseph. Thank you, and God bless everyone! ❤️

10/10/2026

WAG KANG SASALI SA FUN RUN NG JCIR Events Management!

Baka ma-enjoy mo masyado. Baka makakuha ka pa ng magandang photos, magandang medal, at finisher shirt. Ang mas malala, baka dumami pa ang kaibigan mo. Kaya ayan, mapapabalik ka na naman sa susunod na takbuhan!

Kidding aside, solid talaga kapag maayos ang event at ramdam mong pinaghandaan para sa mga runners.

Kaya sa mga ka-JTD na mahilig tumakbo, o sa mga matagal nang gustong sumubok ng fun run, baka ito na ang sign n’yo.

Ako si Joseph The Dreamer. Kita-kits sa next run, mga ka-JTD
Thank you and God bless everyone!

CHASE YOUR DREAMS, PERO HUWAG KALIMUTAN ANG HEALTH. 💪Mga ka-JTD, alam kong marami sa atin ang busy sa trabaho, negosyo, ...
09/10/2026

CHASE YOUR DREAMS, PERO HUWAG KALIMUTAN ANG HEALTH. 💪

Mga ka-JTD, alam kong marami sa atin ang busy sa trabaho, negosyo, at paghahanap ng mas magandang buhay para sa pamilya. Minsan, kahit pagod na, tuloy pa rin kasi marami pa tayong gustong maabot.

Pero mga ka-JTD, galaw-galaw din tayo! 😂 Hindi kailangang mag-gym araw-araw. Kahit walking, jogging, biking, o anumang physical activity na enjoy mo, malaking bagay na ’yan.

Sayang naman kung todo kayod tayo para sa future, pero nakakalimutan nating alagaan ang sarili natin ngayon.

Kaya habang hinahabol mo ang mga pangarap mo, huwag mong pabayaan ang health mo. **Hindi lang natin gustong umasenso. Gusto rin nating ma-enjoy ang buhay na pinaghihirapan natin.**

Ako si Joseph The Dreamer. Thank you, and God bless everyone! 🙏❤️

Here are 9 simple ways to live a better life.Swipe, read, and maybe there’s something here you need to hear today. 🙏Live...
08/10/2026

Here are 9 simple ways to live a better life.
Swipe, read, and maybe there’s something here you need to hear today. 🙏

Live better. Love more. Stay grateful.
Thank you and God bless everyone! 🤍

07/10/2026

GRATEFUL. BLESSED. AND THANKFUL. 🙏❤️

Sobrang grateful and blessed kami ng wife ko na maging bahagi ng Couples for Christ (CFC) at magkaroon ng pagkakataong makasama ang maraming couples na pare-parehong nagsisikap na mas mapalapit kay Lord.

Yung LIVE CATHOLIC CONFERENCE na ito ay hindi lang simpleng gathering para sa amin. It was a beautiful opportunity to strengthen our faith, worship together, pray, and reflect lalo na bilang mag-asawa, bilang isang pamilya, at bilang bahagi ng isang community na sama-samang lumalapit kay Lord.

Nakakatuwa ring makita ang mga couples na nagmula pa sa iba’t ibang lugar, lahat may kanya-kanyang stories at struggles, pero nagkakaisa sa pananampalataya.

Sobrang fulfilling ng ganitong experience. Minsan, sa sobrang busy natin sa work, business, at responsibilities sa buhay, nakakalimutan nating maglaan ng oras para sa ating spiritual life.

Kaya nagpapasalamat kami sa pagkakataong ito na makapag-pause, makapagdasal, makapagpasalamat, at ma-remind kung ano talaga ang mahalaga.

Blessed to have a community that helps us grow, not only as individuals, but also as husband and wife and as a family.
Patuloy tayong magtrabaho, mangarap, at magsikap. Pero higit sa lahat, huwag nating kalimutang isama si Lord sa bawat step ng journey natin.

Thank you, Couples for Christ, for this meaningful experience.

God is good, all the time. ❤️

Ako si Joseph The Dreamer.
Thank you, and God bless everyone! 🙏❤️

"Iwasan maging pasmado ang bibig."- ika nga ng mga nakatatandaAlam naman natin, minsan kapag galit, inis, o sobrang emos...
06/10/2026

"Iwasan maging pasmado ang bibig."
- ika nga ng mga nakatatanda

Alam naman natin, minsan kapag galit, inis, o sobrang emosyonal tayo, nauuna talaga ang bibig bago ang utak. 😂

Lalo na sa workplace at business, may mga pagkakataong may hindi tayo nagustuhan, may nagkamali, o may decision na hindi tayo sang-ayon. Normal lang naman ’yan. Pero bago tayo magsalita, konting preno muna.

Hindi naman masamang magsabi ng concern o magbigay ng feedback. Ang importante, maayos natin itong sabihin at may respeto sa kausap natin.
Kasi minsan, isang salita lang na nasabi natin dahil sa init ng ulo, puwedeng makaapekto sa isang tao, sa relationship ninyo sa team, o kahit sa business.

Kaya bago magsalita, isipin muna natin:
Kailangan ko ba talagang sabihin? Tama ba ang timing? At tama ba kung paano ko ito sasabihin?
Hindi naman kailangang manahimik palagi. Matuto lang tayong magsalita nang may respeto at tamang pag-iisip.
Kasi ang salita, madaling bitawan… pero kapag nakasakit na, hindi mo na basta-basta mababawi.

Think before you speak.
Friendly reminder lang, mga ka-JTD.
Thank you, and God bless everyone! 🙏

05/10/2026

TARA, MATUTO TAYO NG RESPONSIBLE GUN HANDLING AND SAFETY.

samahan n’yo ako habang natututo tungkol sa tamang mindset, responsibility, at safety kapag humahawak ng fi***rm.

Hindi biro ang paghawak ng baril. Responsibilidad ito na nangangailangan ng proper training, discipline, at respeto sa safety.

Kaya kung interesado kang matuto, tara at sabayan n’yo ako sa pag-aaral ng responsible gun handling and safety.

Safety first. Always.

Ako si Joseph The Dreamer.
Thank you, and God bless everyone! 🙏

Send a message to learn more

04/10/2026

61,400+ FOLLOWERS. MARANING SALAMAT, MGA KA-JTD! ❤️

Sobrang nagpapasalamat ako sa bawat isa sa inyo na walang sawang sumusuporta sa mga ginagawa natin dito sa page.

Sa bawat like, share, comment, at follow, malaking bagay na ’yan para sa akin. Hindi ko man kayo mapasalamatan isa-isa, gusto kong malaman ninyo na appreciated ko kayo at sobrang thankful ako sa support ninyo.

Mas lalo akong ginaganahan na magpatuloy at mas pagbutihin pa ang mga content na ginagawa natin—lalo na ang mga motivational, inspirational, business, life, at financial messages na sana ay makatulong at makapagbigay ng kahit kaunting inspiration sa bawat isa.

61,400+ na tayo! ❤️
Maraming salamat sa patuloy na pagsama sa journey na ’to.

Looking forward ako na mas pagbutihin pa natin at mas marami pa tayong maibahaging meaningful na content sa mga susunod na araw.

Pero for now…

MARAMING, MARAMING SALAMAT, MGA KA-JTD! ❤️

Happy Sunday, everyone!
Magpahinga, magpasalamat, at mag-recharge tayo para sa panibagong linggo 🙏

Ako si Joseph The Dreamer,
Thank you, and God bless everyone! ❤️🙏

03/10/2026

ISANG ARAW NG PAGKAKAISA AT PAGMAMALASAKIT ❤️ 🦅

Naging bahagi tayo ng charity program ng CLR 100 at CLR 33 dito sa Olongapo City, kasama ang mga Kuya ng Olongapo-Zambales Metrowalk Professional Eagles Club.

Simple man ang tulong, malaking bagay pa rin ang bawat oras, effort, at malasakit na naibibigay natin sa ating mga kababayan.

Pagkatapos ng relief operation, nagkaroon muna ng konting bonding bago tayo dumiretso sa Banicain para sa isang mini breakfast outreach. Nagsanib-pwersa ang mga Kuya ng CLR 100 at CLR 33 para maghanda at mamahagi ng lugaw at bottled water, lalo na sa mga kabataan.

Nakakatuwang makita na kapag nagtutulungan ang bawat isa, mas marami tayong naaabot at natutulungan. At kahit pagod, sulit ang araw kapag alam mong may napasaya at natulungan ka. ❤️

Maraming salamat sa lahat ng Kuya at Ate ng CLR 100 at CLR 33 sa inyong oras, effort, at malasakit.

Patuloy tayong magtulungan, magmalasakit, at magbahagi sa abot ng ating makakaya.

Sharing is caring.

Ako si Joseph The Dreamer, isang Kuya mula sa NCR 30

Thank you, and God bless everyone! ❤️

HINDI LAHAT NG BAGAY KAILANGANG IPAG-UTOS.Sa totoo lang, malaking bagay sa isang team yung may taong marunong makakita n...
03/10/2026

HINDI LAHAT NG BAGAY KAILANGANG IPAG-UTOS.

Sa totoo lang, malaking bagay sa isang team yung may taong marunong makakita ng kailangang gawin at kusang kumikilos.

Hindi ibig sabihin na kailangan mong akuin lahat. Hindi rin ibig sabihin na trabaho mo nang gawin ang lahat ng bagay.

Pero kung may simpleng bagay kang kayang ayusin, bakit kailangan pang hintayin na may magsabi?

Minsan, doon mo makikita kung sino yung maaasahan—hindi dahil marami siyang sinasabi, kundi dahil marunong siyang kumilos kahit walang nakatingin.

Do your job. Take ownership. Be someone your team can count on.

Kasi sa trabaho, hindi lang importante kung gaano ka kagaling.
Importante rin kung gaano ka ka-maaasahan.

Ako si Joseph the Dreamer
Thank you and Godbless everyone!

Address

Olongapo
2200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JTD Joseph The Dreamer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category