15/09/2026
TINIG NG SERBISYO, NAMAYAGPAG SA ‘THE SINGING PUBLIC SERVANT 2026’
Nasungkit ni Jay "Mama Donna" Dela Cruz Esquivel ng ESMO (SAGIP) ang titulong Grand Champion sa The Singing Public Servant 2026, na isinagawa noong Setyembre 15, 2026 sa Activity Center ng SM City Olongapo Central bilang bahagi ng pagdiriwang ng Olongapo Tourism Month.
Nakamit naman ni Marisheela Bermudez mula sa Department of Education (DepEd) ang 1st Place, habang Christian Barrameda mula sa Olongapo City Police Office (OCPO) ang 2nd Place. Kapwa ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento, kumpiyansa at pagmamahal sa musika, na nagdagdag-sigla sa selebrasyon.
Pinangunahan ang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo, sa pamamagitan ng City Tourism Department, sa suporta ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. Layunin ng patimpalak na bigyang pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na maipakita ang kanilang talento sa labas ng kanilang mga tanggapan.