Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section

Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section, BRGY. GUITNA LOOC OCCIDENTAL MINDORO, Occidental Mindoro.

HAPPENING NOW | COMMITTEE HEARINGKasalukuyang isinasagawa ang Committee Hearing ng Committee on Fishery, sa pangunguna n...
21/07/2026

HAPPENING NOW | COMMITTEE HEARING

Kasalukuyang isinasagawa ang Committee Hearing ng Committee on Fishery, sa pangunguna ni Hon. SK Federation President Jay-jay T. Tambolasa, Chairman ng Komite, kaugnay ng panukalang ordinansang:

β€œISANG KAUTUSANG PAMBAYAN NA NAGREREBISA SA KAUTUSANG PAMBAYAN BILANG 01, SERYE NG 2007, NA SINUSUGAN NG KAUTUSANG PAMBAYAN BLG. 29, SERYE NG 2010, NA NAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG KOMPRESOR, DINAMITA, SODIUM CYANIDE, AT IBA PANG URI NG LASON, MAGING ANG PAGGAMIT NG KURYENTE SA PAGHULI AT PAGKUHA NG MGA YAMANG-DAGAT AT YAMANG-ILOG SA ALINMANG POOK NA NASASAKUPAN NG BAYAN NG LOOC, OCCIDENTAL MINDORO.”

Dumalo bilang mga resource persons ang mga Punong Barangay ng Bayan ng Looc, PLT Alex T. Asuncion, OIC ng Philippine National Police (PNP) Looc, Ms. Lyka Ellaine V. Dela Torre ng Office of the Municipal Agriculture, mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Mr. Jose Ambrocio, Chairperson ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC), gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Layunin ng committee hearing na masusing talakayin ang panukalang rebisyon ng umiiral na ordinansa upang higit na mapalakas ang pangangalaga sa yamang-dagat at yamang-ilog ng Bayan ng Looc, mapigilan ang mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda, at matiyak ang napapanatiling paggamit at konserbasyon ng ating likas na yaman.






π‚π€ππ€π‚πˆπ“π˜-ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π‹πˆπŠπ˜π€π’ π…πˆπ’π‡π„π‘π…πŽπ‹πŠπ’ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπIsinagawa ang Capacity-Building Activity na may teman...
21/07/2026

π‚π€ππ€π‚πˆπ“π˜-ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π‹πˆπŠπ˜π€π’ π…πˆπ’π‡π„π‘π…πŽπ‹πŠπ’ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ

Isinagawa ang Capacity-Building Activity na may temang "Hands-on Training on Milkfish Cage Culture and Project Management System for Balikyas Fisherfolks Association," sa ilalim ng programa ng Fisheries Coastal Unit (FCU) – MIMAROPA, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) FishCoRe bilang facilitator ng pagsasanay.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapalawak ang teknikal na kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga miyembro ng Balikyas Fisherfolks Association sa sustainable milkfish cage culture, kasabay ng pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa project management, organizational governance, financial management, record-keeping, at monitoring and evaluation. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mas organisado at matatag ang kanilang samahan, mapabubuti ang pamamahala ng kanilang mga proyekto, at higit pang mapauunlad ang kabuhayan ng mga mangingisda sa barangay.

Bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan, dumalo si Hon. Marlon V. Dela Torre, Punong Bayan ng Looc, kasama si Municipal Agriculture Officer Lyka Ellaine V. Dela Torre, sa pagbubukas ng programa. Sa kanyang mensahe, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng mga pagsasanay na nagbibigay ng sapat na kaalaman at kakayahan sa mga mangingisda upang maging mas produktibo, matatag, at handa sa mga hamon ng industriya ng pangisdaan.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Bayan ng Looc sa mga pambansang ahensya at iba't ibang katuwang na organisasyon upang maipatupad ang mga programang nagtataguyod ng sustainable fisheries, pagpapalakas ng mga samahan ng mangingisda, at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa kabuhayan ng mga LoocaΓ±o.












β€œπ‹πŽπŽπ‚ π€π«πšπ§π π€πšππš: π€πšπ§π πšπ­ 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐚, 𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 π“πšπ²π¨β€™π² π’πšπ¦πš-𝐬𝐚𝐦𝐚!”

The strongest fisheries solutions are the ones communities create togetherπŸ’™In Looc and Lubang, Occidental Mindoro, six t...
21/07/2026

The strongest fisheries solutions are the ones communities create togetherπŸ’™

In Looc and Lubang, Occidental Mindoro, six teams of municipal government and people's organization representatives transformed community insights into practical campaigns and action plans that will help promote sustainable fishing behaviors and strengthen local fisheries governance.

Developed during the Fish Forever Leadership Academy (FFLA) Solutions Camp held in Tagaytay from June 1–5, 2026, these community-led solutions were shaped by the lived experiences, motivations, and everyday realities of fisherfolk. Guided by behavior-centered design, mentoring, and collaborative planning, participants identified priority fisheries challenges and designed interventions that communities can realistically adopt and sustain.
Beyond developing action plans, the teams strengthened partnerships between local governments and people's organizations, laying the foundation for stronger collaboration in protecting coastal resources and building more resilient fishing communities.

The work doesn't end here. These ideas will continue to be refined and brought back to the communities they were designed to serve, where they can be put into action and create lasting change.
The municipalities of Looc and Lubang are showing that stronger fisheries governance begins when communities are empowered to shape their own future. Because sustainable fisheries management is not built by policies alone. It is built through solutions that reflect people's realities, earn community trust, and inspire collective action. πŸŒŠπŸ’™




20/05/2026

287 πŠπˆπ‹πŽπ’ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐔𝐒, π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 πˆππ€ππˆ!
Mula sa Climate-Resilient (HDPE) Fish Cage Project, matagumpay na nakapag-ani ang SAMAHANG MANDARAGAT NG TABAO ng 287 kilos ng bangus sa Sitio Tabao, Brgy. Ambil, Looc, Occidental Mindoro!
Tinatayang β‚±74,000 ang halaga ng aniβ€”patunay na ang makabagong teknolohiya at sama-samang pagkilos ay susi sa mas matatag na kabuhayan ng mga mangingisda.
Sa ilalim ng MARLIN 2.1 ng FishCoRe Project, patuloy na isinusulong ang sustainable aquaculture, climate resilience, at mas maraming oportunidad para sa mga pamayanang baybayin.
FishCoRe: Ang Paglalayag Tungo sa Mas Maunlad at Maliwanag na Bukas!
See less

19/05/2026

KATATAGAN sa gitna ng anumang hamon πŸ’•

Pagkilala at pasasalamat sa ating mga ka-Palay ngayong Farmers and Fisherfolk Month.

19/05/2026
19/05/2026
19/05/2026

πŸ€”πŸ§Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Sagip Saka at procurement guidelines sa ating #π“πšπ§π¨π§π π€π­π’πšπ π¨π­π’πžπ«π²πž

Para sa ating #π‘»π’‚π’π’π’π’ˆπ‘¨π’•π‘Ίπ’‚π’ˆπ’π’•π‘Ίπ’†π’“π’šπ’† #2

πŸ‘€Sinu-sino ang maaaring magbenta nang direkta sa pamahalaan sa ilalim ng Sagip Saka Act? ❓❓❓






⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️

π‹πŽπŽπ‚ πŒππ’ π–π„π„πŠπ‹π˜ π€π‚π‚πŽπŒππ‹πˆπ’π‡πŒπ„ππ“May 19, 2026Matagumpay na nagsagawa ng Anti-Illegal Fishing Operation ang mga tauhan ng Lo...
19/05/2026

π‹πŽπŽπ‚ πŒππ’ π–π„π„πŠπ‹π˜ π€π‚π‚πŽπŒππ‹πˆπ’π‡πŒπ„ππ“
May 19, 2026
Matagumpay na nagsagawa ng Anti-Illegal Fishing Operation ang mga tauhan ng Looc Municipal Police Station na pinamumunuan ni PSSg Adrian G. Herrera sa ilalim ng superbisyon ni PLT ALEX T ASUNCION, katuwang ang Bantay Dagat ng LGU-Looc, bandang 12:10 ng umaga sa katubigang nasasakupan ng Barangay Ambil, Looc, Occidental Mindoro.
Sa naturang operasyon, Pitong (7) indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 29 series of 2010 (Compressor Fishing) and Municipal Ordinance No.28 series of 2010 (Illegal Entry). Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Looc MPS para sa nararapat na disposisyon.
Patuloy ang Looc Municipal Police Station sa kanilang dedikasyon na protektahan ang yamang-dagat ng bayan at paiigtingin pa ang pagsubaybay at pagpapatupad ng batas upang mapigilan at mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na pangingisda sa karagatan.


See less

π‹πŽπŽπ‚ πŒππ’, ππ€πŠπ€π€π‘π„π’π“πŽ 𝐍𝐆 7 πˆππƒπˆππˆπƒπ–π€π‹ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆ-πˆπ‹π‹π„π†π€π‹ π…πˆπ’π‡πˆππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ

LOOC, Occidental Mindoro – Matagumpay na nagsagawa ng Anti-Illegal Fishing Operation ang mga tauhan ng Looc Municipal Police Station (MPS) na pinamumunuan ni PSSg Adrian G Herrera sa ilalim ng superbisyon ni PLT ALEX T ASUNCION, Officer-In-Charge ng Looc MPS, katuwang ang Bantay Dagat ng LGU-Looc, bandang alas-12:10 ng madaling araw noong Mayo 19, 2026, sa katubigang nasasakupan ng Barangay Ambil, Looc, Occidental Mindoro.
Sa isinagawang operasyon, pitong (7) indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 29, Series of 2010 o Compressor Fishing at Municipal Ordinance No. 28, Series of 2010 o Illegal Entry. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Looc MPS ang mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng nararapat na kaso.

Ayon kay PLT ALEX T ASUNCION, Officer-In-Charge ng Looc MPS β€œPatuloy nating paiigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na pangingisda upang maprotektahan ang ating yamang-dagat at masiguro ang pangmatagalang kabuhayan ng ating mga mangingisda. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating matibay na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at komunidad para sa pangangalaga ng ating karagatan.”

Muling pinaalalahanan ng Looc MPS ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang ilegal na gawain sa karagatan.



Address

BRGY. GUITNA LOOC OCCIDENTAL MINDORO
Occidental Mindoro
5111

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639065829992

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Looc Municipal Agriculture Office-Fishery Section:

Shortcuts

Share