30/08/2026
𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚, 𝐓𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝.
Bilang pagtugon sa aking tungkulin na maging bukas at transparent sa aking paglilingkod, nais kong ibahagi sa ating mga kababayan ang aking naging 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐟𝐞𝐬𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐝𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, na isinagawa para sa ratification ng rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na ideklarang 𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐦𝐛𝐮𝐫𝐚𝐨.
Ang deklarasyon ng 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐭𝐲 ay nagbibigay-daan sa LGU na magpatupad ng mga kinakailangang 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟, 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐞, 𝐫𝐞𝐡𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐦𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐬 para sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Kaya naman, itinanong ng inyong lingkod kay 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐙𝐲𝐫𝐨𝐧 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐞 kung saan at paano gagamitin ang pondong ilalaan para sa disaster response. Nagbigay rin ako ng mungkahi na sana ay ang mga hakbang at relief measures na ipatutupad ay 𝐧𝐚𝐚𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐭𝐮𝐠𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐝𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.
Hindi lamang sapat na may pondong ilalaan. 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨𝐩 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐬𝐚𝐥𝐚, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐚𝐩𝐞𝐤𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧.
Bago pa man ideklara ang Bayan ng Mamburao bilang under a State of Calamity, naghain na ang MDRRMC ng unang Resolution na nagmumungkahi na i-reprogram ang halagang ₱𝟏,𝟏𝟐𝟏,𝟎𝟐𝟔.𝟏𝟑 para sa 𝐩𝐫𝐨𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐟𝐨𝐨𝐝 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬, 𝐧𝐨𝐧-𝐟𝐨𝐨𝐝 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐚𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐠 𝟐𝟒/𝟕 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬.
Bilang inyong kinatawan sa Sangguniang Bayan, patuloy kong isusulong na ang bawat pondong inilaan para sa panahon ng kalamidad ay 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐬𝐭𝐨, 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭, 𝐧𝐚𝐚𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.
𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚. 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐝𝐞𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.