Municipality of Nampicuan

Municipality of Nampicuan ๐Ÿ“Œ Official Public Information Page
๐Ÿ“ฃ Real-time updates | Public advisories | Government services
๐Ÿ›๏ธ Municipality of Nampicuan, Nueva Ecija
๐Ÿ“ž Transparency.

Service. Accountability.
๐Ÿ“ "Diyos at Bayan"

03/09/2026
๐Ÿ‘ด๐Ÿ‘ต 3RD QUARTER SOCIAL PENSION PAYOUT ๐Ÿ“ Nampicuan, Nueva Ecija ๐Ÿ“… September 1, 2026Isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Nampi...
01/09/2026

๐Ÿ‘ด๐Ÿ‘ต 3RD QUARTER SOCIAL PENSION PAYOUT
๐Ÿ“ Nampicuan, Nueva Ecija
๐Ÿ“… September 1, 2026

Isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Nampicuan, sa pangunguna ni Mayor Mario G. Lacurom katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ang pamamahagi ng Social Pension stipend para sa ating mga benepisyaryong indigent senior citizens.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development, natanggap ng ating mga lolo at lola ang kanilang tulong-pinansyal na naglalayong makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, maintenance na gamot, at iba pang pangunahing gastusin.

๐ŸŒง๏ธ MDRRMC MEETING๐Ÿ“3rd Floor Multipurpose Function Hall ๐Ÿ“… September 1, 2026Kasalukuyang nagpupulong ang Municipal Disaste...
01/09/2026

๐ŸŒง๏ธ MDRRMC MEETING
๐Ÿ“3rd Floor Multipurpose Function Hall
๐Ÿ“… September 1, 2026

Kasalukuyang nagpupulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), na pinangungunahan ni Mayor Mario G. Lacurom, Municipal Administrator Franklin B. Macarayo, at ng MDRRMO upang pag-usapan ang mga naging epekto ng ilang araw na pag-ulan, tulad ng pagbaha sa ilang barangay.

๐ŸŒง๏ธ FLOOD MONITORING SA MGA BARANGAY๐Ÿ“ Brgy. Edy, Brgy. Estacion, Brgy. Cabaducan East, Brgy. Ambassador, Brgy. Cabawangan...
29/08/2026

๐ŸŒง๏ธ FLOOD MONITORING SA MGA BARANGAY
๐Ÿ“ Brgy. Edy, Brgy. Estacion, Brgy. Cabaducan East, Brgy. Ambassador, Brgy. Cabawangan, Brgy. Recuerdo, at Brgy. Tony
๐Ÿ“… August 29, 2026

Upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang Nampicueรฑo ngayong panahon ng tag-ulan, isinagawa ng Pamahalaang Lokal ang Flood Monitoring Operation.

Binisita at sinuri ng team ang sitwasyon sa Barangay Edy, Barangay Estacion, Barangay Cabaducan East, Barangay Ambassador, Barangay Cabawangan, Barangay Recuerdo, at Barangay Tony.

Ang inisyatibong ito ay layong agad na makapagtala ng mga pagbaha, makapagbigay ng agarang tulong kung kinakailangan, at masubaybayan ang kalagayan ng ating mga kalsada, sakahan, at kabahayan.

Manatili po tayong alerto at agad na makipag-ugnayan sa inyong mga Barangay Officials o sa MDRRMO Hotline
(0995-764-2199 / 0999-381-7260) sakaling magkaroon ng emergency. Patuloy po ang ating pagbabantay para sa kaligtasan ng lahat!

27/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa Executive Order No. 26, Series of 2026, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, ๐ข๐ง๐ข๐ซ๐ž๐ซ๐ž๐ค๐จ๐ฆ๐ž๐ง๐๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Batay sa PAGASA Weather Advisory No. 20, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na nasa Yellow Heavy Rainfall Outlook. Isinasaalang-alang din ang magkakasunod na Rainfall Advisory, Thunderstorm Advisory, at Heavy Rainfall Warning na inilabas ngayong araw, Agosto 27, dahil sa nararanasang malakas hanggang matinding pag-ulan sa lalawigan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at subaybayan ang mga opisyal na abiso para sa mga susunod na update.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

๐Ÿ—๏ธ GROUNDBREAKING CEREMONY NG COMMON POST-HARVEST FACILITY SA BLISS, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA!๐Ÿ“ BLISS, Cabaducan East, Na...
26/08/2026

๐Ÿ—๏ธ GROUNDBREAKING CEREMONY NG COMMON POST-HARVEST FACILITY SA BLISS, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA!
๐Ÿ“ BLISS, Cabaducan East, Nampicuan
๐Ÿ“… August 19, 2026

Isang malaking tagumpay para sa ating sektor ng agrikultura at pangkabuhayan!

Sa inisyatibo at pagsisikap ng ating Municipal Agriculture Office (MAO) sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Amelia S. Bulanadi, matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong Common Post-Harvest Facility sa BLISS, Nampicuan, Nueva Ecija.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Mayor Mario G. Lacurom katuwang ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR Region 3) sa pangunguna nina Regional Director / SAAD Focal Wilfredo M. Cruz, SAAD Alternate Focal Joan Gay C. Oreas, at Provincial Fishery Officer Geraldine M. Sayco.

Dumalo rin at nakiisa sa okasyong ito ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina SBM Roberto S. Marquez, SBM Kathlene M. Saclao, at SBM Bessie S. Tacas, ang ating mga Punong Barangay, mga Department Head sa pangunguna ni Municipal Administrator Franklin B. Macarayo, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, pati na rin ang mga BFAR SAAD beneficiaries at ating mga lokal na mangingisda.

Ang bagong pasilidad na ito ay inaasahang magbibigay ng mas maayos na imbakan at pasilidad upang mapataas ang kalidad at kita ng ating mga mangingisda at benepisyaryo sa Nampicuan.
Maraming salamat sa MAO-Nampicuan, sa BFAR Region 3, at sa lahat ng nakiisa para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan!

26/08/2026

Paalala Kontra Leptospirosis

Kahit nababawasan na ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw, nananatili pa rin ang baha sa ilang lugar at komunidad.

Mag-ingat sa Leptospirosis! Ang tubig-baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng mga infected na hayop, lalo na ng mga daga, na maaaring magdulot ng leptospirosis.

Kung ikaw ay lumusong o na-expose sa bahaโ€”may sugat man o wala, agad na magpakonsulta sa ating Rural Health Unit upang masuri at malaman kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

Huwag uminom ng doxycycline o anumang gamot nang walang payo at reseta ng doktor.

Mas mabuting maagapan kaysa magsisi. Kung may lagnat, matinding pananakit ng katawan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, o iba pang sintomas matapos ma-expose sa baha, magpakonsulta agad.

Para sa ligtas at malusog na komunidad!





24/08/2026

๐Ÿšœ DREDGING AT IMPROVEMENT SA NAMPICUAN CREEK
๐Ÿ“ Nampicuan Creek (Brgy. Ambassador to Brgy. Estacion)
๐Ÿ“… August 24, 2026

Kasalukuyan nang isinasagawa ang Dredging at Improvement Project sa Nampicuan Creek sa pangunguna ni Mayor Mario G. Lacurom.

Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga nakabara at naipong latak sa ilog, layunin nitong mapabilis ang agos ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa mga kabahayan at sakahan sa Barangay Ambassador at Barangay Estacion.

Ang proyektong ito ay mahalagang hakbang para sa proteksyon at pangkabuhayan ng ating mga magsasaka at sa seguridad ng ating mga tahanan ngayong tag-ulan. Nagpapasalamat ang LGU sa patuloy na suporta at pakikiisa ng ating mga residente habang patuloy ang ating operasyon!

24/08/2026

Address

North Poblacion, Nampicuan
Nueva Ecija
3116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Nampicuan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share