City Population Office - Science City of Muñoz

City Population Office - Science City of Muñoz Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Population Office - Science City of Muñoz, Government Organization, Munoz City Hall Comp. , Tobias Street , Poblacion West, Science City of Munoz, Nueva ecija.

✂️💉𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙇𝙄 𝟮𝟬𝟮𝟲💉✂️Handog ng ating Lokal na Pamahalaan ang libreng tuli ngayong taon. Sa muling pagtutulun...
03/06/2026

✂️💉𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙇𝙄 𝟮𝟬𝟮𝟲💉✂️

Handog ng ating Lokal na Pamahalaan ang libreng tuli ngayong taon. Sa muling pagtutulungan ng City Health Office, OsLAM, at City Population Office.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials para sa mga batang magpapatuli na nakatuon sa usapin ng puberty at teenage pregnancy.

Layunin nitong maipabatid sa mga kabataan ang mga pagbabagong pisikal at emosyonal na kanilang nararanasan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, pati na rin ang kahalagahan ng responsableng pagdedesisyon at tamang kaalaman sa reproductive health.




✂️💉𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙇𝙄 𝟮𝟬𝟮𝟲💉✂️Handog ng ating Lokal na Pamahalaan ang libreng tuli ngayong taon. Sa muling pagtutulun...
05/05/2026

✂️💉𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙇𝙄 𝟮𝟬𝟮𝟲💉✂️

Handog ng ating Lokal na Pamahalaan ang libreng tuli ngayong taon. Sa muling pagtutulungan ng City Health Office, OsLAM, at City Population Office.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials para sa mga batang magpapatuli na nakatuon sa usapin ng puberty at teenage pregnancy. Layunin nitong maipabatid sa mga kabataan ang mga pagbabagong pisikal at emosyonal na kanilang nararanasan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, pati na rin ang kahalagahan ng responsableng pagdedesisyon at tamang kaalaman sa reproductive health.

Nagkaroon din ng maikling oryentasyon upang maipaliwanag nang malinaw ang bawat hakbang at masagot ang mga katanungan ng mga kalahok, na naglalayong mabawasan ang pangamba at mapanatili ang kaligtasan at kaginhawaan ng bawat bata. Mga dapat asahan sa mismong proseso, at wastong pangangalaga pagkatapos ng operasyon upang maiwasan ang impeksyon at mapabilis ang paggaling.

Layunin ng inisyatibong ito na matiyak ang tuloy-tuloy at inklusibong paghahatid ng de-kalidad, ligtas, at libreng serbisyong pangkalusugan, habang pinapalakas ang kamalayan at partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkalusugan.




💍🕊️𝙋𝙍𝙀-𝙈𝘼𝙍𝙍𝙄𝘼𝙂𝙀 𝙊𝙍𝙄𝙀𝙉𝙏𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙊𝙐𝙉𝙎𝙀𝙇𝙄𝙉𝙂 🕊️💍Isinagawa ang Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) para sa mga k...
29/04/2026

💍🕊️𝙋𝙍𝙀-𝙈𝘼𝙍𝙍𝙄𝘼𝙂𝙀 𝙊𝙍𝙄𝙀𝙉𝙏𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙊𝙐𝙉𝙎𝙀𝙇𝙄𝙉𝙂 🕊️💍

Isinagawa ang Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) para sa mga kalahok ngayong buwan ng Abril bilang paghahanda sa pagpasok sa buhay may-asawa. Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang aspeto ng pag-aasawa tulad ng responsableng pagpapamilya, epektibong komunikasyon, kalusugan ng mag-asawa, at pagpaplano para sa kinabukasan.

Layunin ng programang ito na gabayan ang mga magkapareha tungo sa matatag, responsable, at masayang pagsasama, na nakabatay sa kaalaman, paggalang, at pagmamahalan.

Maraming salamat sa aktibong pakikilahok ng ating mga would-be couples! 💖 Nawa’y magsilbing matibay na pundasyon ang inyong natutunan para sa inyong bagong yugto ng buhay.

𝗣𝗨𝗥𝗢𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 🩺💚at 𝙒𝙊𝙈𝙀𝙉'𝙎 𝙃𝙀𝘼𝙇𝙏𝙃 𝙁𝘼𝙄𝙍💜♀️Noong April 20, 2026, ginanap ang 𝘗𝘶𝘳𝘰𝘒𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗...
28/04/2026

𝗣𝗨𝗥𝗢𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 🩺💚at 𝙒𝙊𝙈𝙀𝙉'𝙎 𝙃𝙀𝘼𝙇𝙏𝙃 𝙁𝘼𝙄𝙍💜♀️

Noong April 20, 2026, ginanap ang 𝘗𝘶𝘳𝘰𝘒𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴 at 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯'𝘴 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘍𝘢𝘪𝘳 sa Barangay Villa Santos, Science City of Muñoz.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Judith Marie P. Padilla, MD, katuwang ang City Population Office sa pamumuno ni Mr. Jayromie G. Aromin, PPO IV – CPO/OIC. Nagbigay rin ang nasabing tanggapan ng serbisyong pang-family planning at mga kaukulang commodities

Ang PuroKalusugan sa Bagong Pilipinas ay naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, naipagkakaloob ang libreng konsultasyon, pagbabakuna, pagsusuri, at iba pang serbisyong medikal upang matiyak ang maagap na pag-iwas at pagtugon sa mga karamdaman.

Habang ang Women's Health Fair Layunin nitong palakasin ang kamalayan sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng ina mula sa pagbubuntis, panganganak, hanggang sa postpartum na pag-aalaga. Sa patuloy na edukasyon at pagtutulungan, isinusulong nito ang pagkakaroon ng mas malusog na pamilya at komunidad, kung saan ang bawat ina ay may karapatang makatanggap ng ligtas, maayos, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.

𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗟𝗣𝗗𝗖) - 𝟭𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 📊Isinagawa ang Local Population and Developmen...
28/04/2026

𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗟𝗣𝗗𝗖) - 𝟭𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 📊

Isinagawa ang Local Population and Development (LPDC) - 1st Quarterly Meeting noong March 30, 2026. Tinalakay sa meeting na ito ang ang mga mahahalagang usaping may kaugnayan sa pang-populasyon at pagpapaunlad ng ating lungsod. Natalakay din ang isa sa mga importanteng bagay na binibigyang halaga ng ating lungsod ang mga kaso ng 𝙩𝙚𝙚𝙣𝙖𝙜𝙚 𝙥𝙧𝙚𝙜𝙣𝙖𝙣𝙘𝙮 upang mabigyang pansin at mga hakbangin upang ito ay maiwasan.

Ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang mga obserbasyon at karanasan mula sa kani-kanilang tanggapan, gayundin ang mga programang maaaring higit pang mapahusay at mapalawak sa komunidad. Sa pulong, binigyang-diin ang kahalagahan ng wasto at angkop na impormasyon, ang mahalagang papel ng pamilya sa pagbibigay-gabay, at ang aktibong pakikilahok ng kabataan bilang mahalagang salik sa tagumpay ng mga inisyatibo.

Patuloy na nagsusumikap ang bawat sektor na magtulungan upang makabuo ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, lalo na sa pagpapaigting ng kamalayan at partisipasyon ng kabataan.

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | 𝘖𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘓𝘪𝘣𝘳𝘦𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘭𝘪 2026Narito na po ang schedule ng handog na 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗶 ng ating Lokal na Pa...
08/04/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | 𝘖𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘓𝘪𝘣𝘳𝘦𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘭𝘪 2026

Narito na po ang schedule ng handog na 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗶 ng ating Lokal na Pamahalaan ngayong taon. Muling magbubuklod ang City Health Office, OsLAM, at City Population Office, upang maihatid nang ligtas, maayos, at libre serbisyong pangkalusugan na ito.

Ang pagtutuli para sa mga kabataang kalalakihan ay nakatutulong sa kabuuang development at kalusugan ng kanilang katawan. Kaya naman simula sa darating na April 15, muling isasagawa ang adhikaing ito na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga minamahal na Muñozonian.

Tingnan ang infographics sa ibaba para sa buong detalye ng nasabing programa.

🌸💜𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍'𝐬 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍🌸💜Sa temang “Lead like the Babaylans, Filipinas,” binibigyang-diin ang mahalaga...
26/03/2026

🌸💜𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍'𝐬 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍🌸💜

Sa temang “Lead like the Babaylans, Filipinas,” binibigyang-diin ang mahalagang gampanin ng kababaihan bilang lider, tagapagtaguyod, at inspirasyon sa bawat sektor ng lipunan.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ms. Gabriela B. Fernadez - CSWD Officer, katuwang ang LCAT-VAWC at ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) – Healthier Rice Program, upang kilalanin at ipagdiwang ang lakas, galing, at makabuluhang ambag ng bawat kababaihan sa ating lipunan pati narin ang iba't ibang offices sa ating lungsod na may gampanin sa napaka-saya at makabuluhang pangyayaring ito.

Nagkaroon ng forum session patungkol sa Responsible Parenthood sa pangunguna ni Mr. Jayromie G. Aromin, PPO IV – CPO/OIC. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at akses sa serbisyong pangkalusugan, nagkakaroon ng kakayahan ang bawat babae na makapagdesisyon para sa sarili, sa kanyang pamilya, at sa kanyang kinabukasan. Nagbigay din ng family planning commodities ang City Population Office para sa mga kababaihan upang higit pang masuportahan ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan at kanilang pamilya.

Sa walang sawang suporta nina 𝙃𝙤𝙣. 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝘽𝙖𝙗𝙮 𝘼𝙧𝙢𝙞 𝙇. 𝘼𝙡𝙫𝙖𝙧𝙚𝙯 at 𝙃𝙤𝙣. 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙉𝙚𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙇. 𝘼𝙡𝙫𝙖𝙧𝙚𝙯, 𝙋𝙝𝘿, nagtipon-tipon ang buong pwersa ng mga kawani, institusyon, at ahensya upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Patuloy na nabibigyan ng pagkakataon at gabay ang mga kababaihang Muñozonian upang maging handa at makabuluhan ang kanilang kinabukasan.

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗠𝘂ñ𝗼𝘇𝗼𝗻𝗶𝗮𝗻, 𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗮𝗻!

𝗣𝗨𝗥𝗢𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 at 𝙐𝙉𝘿𝙀𝙍𝙎𝙏𝘼𝙉𝘿𝙄𝙉𝙂 𝘾𝙀𝙍𝙑𝙄𝘾𝘼𝙇 𝘾𝘼𝙉𝘾𝙀𝙍 𝙍𝙄𝙎𝙆 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙃𝙀 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙍𝙏𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙊𝙁 𝙍𝙀𝙎𝙋𝙊𝙉𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀 𝙋𝘼𝙍𝙀𝙉𝙏𝙃𝙊𝙊𝘿 𝙖𝙣𝙙...
24/03/2026

𝗣𝗨𝗥𝗢𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 at 𝙐𝙉𝘿𝙀𝙍𝙎𝙏𝘼𝙉𝘿𝙄𝙉𝙂 𝘾𝙀𝙍𝙑𝙄𝘾𝘼𝙇 𝘾𝘼𝙉𝘾𝙀𝙍 𝙍𝙄𝙎𝙆 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙃𝙀 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙍𝙏𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙊𝙁 𝙍𝙀𝙎𝙋𝙊𝙉𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀 𝙋𝘼𝙍𝙀𝙉𝙏𝙃𝙊𝙊𝘿 𝙖𝙣𝙙 𝙁𝘼𝙈𝙄𝙇𝙔 𝙋𝙇𝘼𝙉𝙉𝙄𝙉𝙂🤱💙🌸

Naganap ang 𝘜𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘊𝘢𝘯𝘤𝘦𝘳 𝘙𝘪𝘴𝘬 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘐𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘰𝘧 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘗𝘭𝘢𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨 at 𝘗𝘶𝘳𝘰𝘒𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴 noong Marso 23, 2026 sa barangay Bantug, Science City of Muñoz.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Judith Marie P. Padilla, MD. katuwang ang City Population Office sa pamumuno ni Mr. Jayromie G. Aromin, PPO IV – CPO/OIC na nagbigay rin ng serbisyong pang-family planning at mga commodities nito.

Ang PuroKalusugan sa Bagong Pilipinas ay naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, naipagkakaloob ang libreng konsultasyon, pagbabakuna, pagsusuri, at iba pang serbisyong medikal upang matiyak ang maagap na pag-iwas at pagtugon sa mga karamdaman.

Habang ang Empowering Motherhood: Ensuring Safe and Inclusive Maternal Health ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng ina, mula pagbubuntis hanggang sa panganganak at pag-aalaga pagkatapos manganak. Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon at pagtutulungan, hangad nitong maisulong ang mas malusog na pamilya at komunidad upang ang bawat ina ay may karapatang makatanggap ng ligtas, maayos, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.

Lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa walang humpay na suporta ng ating 𝙃𝙤𝙣. 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝘽𝙖𝙗𝙮 𝘼𝙧𝙢𝙞 𝙇. 𝘼𝙡𝙫𝙖𝙧𝙚𝙯 at 𝙃𝙤𝙣. 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙉𝙚𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙇. 𝘼𝙡𝙫𝙖𝙧𝙚𝙯, 𝙋𝙝𝘿 na patuloy na nagpapatupad ng mga proyekto at programang naglalayon sa ikabubuti ng mga Muñozonian.

Address

Munoz City Hall Comp. , Tobias Street , Poblacion West, Science City Of Munoz
Nueva Ecija
3119

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Population Office - Science City of Muñoz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share