Councilor Donn Alvarez

  • Home
  • Councilor Donn Alvarez

Councilor Donn Alvarez #3 ALVAREZ, DONN LOUIE

08/10/2026

Libreng Crematorium para sa ating mga kababayan pumanaw na.👍👍👍
I💚Noveleta

𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖, 𝙧𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩. 🩵Bilang Sponsor ng 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙮 𝙊𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙚 at Chairperson ng...
26/09/2026

𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖, 𝙧𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩. 🩵

Bilang Sponsor ng 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙮 𝙊𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙚 at Chairperson ng Committee on Social Welfare, Family, Women and Children, pinangunahan natin ang pagpupulong para talakayin at higit pang pag-ibayuhin ang ating panukalang ordinansa.

Malaki ang bahagi ng paaralan sa buhay ng isang bata. Dito nila ginugugol ang maraming oras ng kanilang paglaki, pagkatuto, at pakikisalamuha. Kaya mahalagang marinig ang boses at karanasan ng ating mga private schools sa Noveleta, kasama ang kinatawan ng DepEd, upang makabuo tayo ng polisiya na tunay na makatutugon sa pangangailangan at kaligtasan ng ating mga kabataan.

Patuloy nating pagtutulungan ang LGU, paaralan, pamilya at komunidad upang masiguro na ang bawat bata sa Noveleta ay ligtas, nirerespeto, naririnig at napoprotektahan.

Para sa bata. Para sa pamilya. Para sa kinabukasan ng Noveleta. 💙


I💚Noveleta

Kalma sa Gitna ng AlitanTayo po ay nagpapasalamat sa paanyaya ng ating MLGO Mel Mel Villaruel upang maging Resource Spea...
04/09/2026

Kalma sa Gitna ng Alitan

Tayo po ay nagpapasalamat sa paanyaya ng ating MLGO Mel Mel Villaruel upang maging Resource Speaker patungkol sa pagbabahagi ng kaalaman sa ating mga kasamang Punong Barangay. Nagpapasalamat din po tayo sa bumubuo ng Liga ng mga Barangay sa kanilang partisipasyon at sa LNB Pres Jun Sidocon. Mabuhay po ang ating mga 'Frontliners' sa pamamayapa ng ating mga barangays. 🫶


I💚Noveleta

Trabaho lang, para sa Noveleta. 🌱Committee discussion bilang Chairperson ng Committee on Environment, kasama ang MENRO, ...
27/08/2026

Trabaho lang, para sa Noveleta. 🌱

Committee discussion bilang Chairperson ng Committee on Environment, kasama ang MENRO, Assessor’s Office at mga kinatawan ng Barangay, para pag-usapan ang mga hakbang tungo sa mas maayos na pangangalaga sa ating kapaligiran at komunidad.

Mahalaga ang sama-samang pagkilos upang makagawa ng patas, malinaw at maisasagawang solusyon para sa ating bayan.

Tuloy lang. Donn tayo sa tapat mag-serbisyo. 💚


I💚Noveleta

25/08/2026

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐃𝐀𝐕𝐄𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐍𝐎!
𝐓𝐎𝐏 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐚𝐧𝐝 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐈𝐍 𝐂𝐀𝐕𝐈𝐓𝐄!

Hinirang na Top Performing Mayor and Vice Mayor sina Mayor Davey Reyes Chua at Mayor Vice Dino Chua batay sa survey na isinagawa ng Social Pulse Philippines.

Tunay na lingkod bayan na maipagmamalaki ng mamamayan!

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

ᴛᴜʟᴏʏ ʟᴀɴɢ ᴘᴀʟᴀɢɪ ᴀɴɢ ᴛʀᴀʙᴀʜᴏBilang Chairperson ng Committee on Social Welfare, Family, Women and Children, kasama ang b...
24/08/2026

ᴛᴜʟᴏʏ ʟᴀɴɢ ᴘᴀʟᴀɢɪ ᴀɴɢ ᴛʀᴀʙᴀʜᴏ

Bilang Chairperson ng Committee on Social Welfare, Family, Women and Children, kasama ang buong Committee at ating mga invited guests, isinagawa natin ang Committee Meeting upang talakayin ang revision ng GAD Code ng Noveleta.

Layunin nating magkaroon ng isang Code na mas inclusive, mas gender-sensitive, at mas responsive sa pangangailangan ng bawat Noveleteño—kabilang ang LGBTQIA+ community, PWDs, senior citizens, kababaihan at mga bata.

Tinalakay din ang pagsama ng localization ng Safe Spaces Act, mga probisyon kaugnay ng OSAEC, pag-update ng mga probisyon batay sa mga bagong national laws, at higit pang pagpapalakas ng proteksyon at pagpapahalaga sa ating PWDs at senior citizens.

Tuloy lang. Trabaho lang. Serbisyo para sa bawat Noveleteño. 🤝



I💚Noveleta

23/08/2026

Pinalakas na Habagat, Posibleng Magdulot ng Matinding Pag-ulan sa Luzon

Agosto 23, 2026

Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibleng tuloy-tuloy na pag-ulan sa kanluran at hilagang Luzon, kabilang ang National Capital Region (NCR), dahil sa inaasahang paglakas ng Habagat bunsod ng mga bagyong “Saudel” at “Gaenari”.

Sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng OCD kasama ang iba pang ahensya at Local Government Units (LGUs), tinalakay ang mga posibleng epekto ng sama ng panahon at mga kinakailangang paghahanda.

Ayon kay OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, maaaring magsimula ang pag-ulan sa Lunes o Martes at magpatuloy hanggang Huwebes o Biyernes. Posible itong magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, pagtaas ng lebel ng mga ilog at pagtaas ng tubig sa mga dam at reservoir.

Maaari ring maapektuhan ang transportasyon at agrikultura dahil sa labis na pag-ulan at waterlogging.

Pinaigting naman ng OCD ang monitoring at koordinasyon sa iba pang ahensya at LGUs sa mga lugar na posibleng maapektuhan. Tinitiyak din ang kahandaan ng response teams, assets, at food at non-food items para sa agaran at mabilis na pagtugon.

Samantala, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng awtoridad, lalo na sa mga nakatira sa mabababang lugar na madaling bahain at mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa.

Pinapayuhan din ang mga nasa baybayin at biyahero na iwasang pumalaot o bumiyahe kapag masama ang panahon.






ꜱᴀʟᴄᴇᴅᴏ ʟɪɴɢɢᴏ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ 🩵Isang karangalan ang makiisa at magbigay-suporta sa Batang Salcedo bilang bahagi ng ating pa...
17/08/2026

ꜱᴀʟᴄᴇᴅᴏ ʟɪɴɢɢᴏ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ 🩵

Isang karangalan ang makiisa at magbigay-suporta sa Batang Salcedo bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.

Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan kundi sila ay kasama natin sa pagbuo ng mas maayos, mas ligtas, at mas makabuluhang komunidad. Patuloy nating suportahan ang kanilang mga talento, pangarap, at kakayahan.

Sama-sama nating ipakita na sa Noveleta, ang kabataan ay pinapakinggan, pinahahalagahan, at sinusuportahan. 🙌


I💚Noveleta

CCTO Sangguniang Kabataan ng Salcedo 1

05/08/2026

Balik Baon na po ang panghapon..
sa Afternoon classes sa Bayan ng Noveleta..
August 5, 2026 11am
Tuloy padin po ang pagaaral at magreview.. Manatili po tayong ligtas sa loob ng bahay at tumulong kay nanay sa gawaing bahay👍🏻
Ingat po ang lahat! Stay Safe and Dry💚

Address


4105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Donn Alvarez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share