Brgy Bigte Health and Nutrition

Brgy Bigte Health and Nutrition HEALTH AND NUTRITION

22/04/2026

BE INFORMED!

You can’t get HIV from:

•Hugging and Shaking Hands
•Insect and Animals
•Sharing Foods
•Using same toilets
•Saliva, sweats and tears

END THE STIGMA
BE KIND

Manatiling ligtas, protektado at may alam sa pakikipag talik.



22/04/2026

STI (Sexually Transmitted Infection)

Mga bagay na dapat alamin at suriin kung ikaw ay nakakaranas ng mga ito.

Manatiling ligtas, protektado at may alam sa pakikipag talik.



15/04/2026

Sa patuloy na pagsusulong ng kalusugan ng kabataan, ang Sangguniang Kabataan ng Bigte ay naglalayong magbigay-kaalaman at proteksyon laban sa HIV. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at responsableng desisyon, maiiwasan ang panganib at mapapanatili ang ligtas na pamumuhay.

Tandaan: 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧! 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚. 💚






-𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧-𝐁𝐢𝐠𝐭𝐞

Editor: John Lloyd GC Sarmiento

Dahil sa ating nararanasang init sa panahon ngayon, kaugnay nito, mahigpit na pinapayuhan ang bawat isa na mag-ingat lab...
15/04/2026

Dahil sa ating nararanasang init sa panahon ngayon, kaugnay nito, mahigpit na pinapayuhan ang bawat isa na mag-ingat laban sa matinding init upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito.

📌 Mga Paalala:�• Uminom ng sapat at regular na tubig upang maiwasan ang dehydration.
�• Iwasan ang matagal na pagkabilad sa ilalim ng araw, lalo na mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
�• Magsuot ng preskong damit at gumamit ng payong o sumbrero kung lalabas.
�• Manatili sa mga lugar na may maayos na bentilasyon o malamig na kapaligiran.
�• Agarang magpatingin sa doktor kung makaranas ng pagkahilo, matinding pagkapagod, o iba pang sintomas ng heat-related illnesses.

Hinihiling ang pakikiisa at kooperasyon ng lahat para sa kaligtasan ng ating komunidad. Maaaring makipag ugnayan sa ating Sangguniang Kabataan o Sangguniang Barangay para sa mas maraming impormasyon.

Maaaring tumawag sa ating Rescue or Ambulance na naka lagay na numero sa oras ng pangangailangan.





Manatiling ligtas at mag-ingat sa matinding init!

15/04/2026

𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐘 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍

Naniniwala ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐠𝐭𝐞 na ang bawat kabataang Bigteño ay may 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏 na dapat protektahan at 𝐏𝐎𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 na dapat linangin. Sa gitna ng mga hamon, layunin nating siguraduhin na walang pangarap ang mahihinto nang maaga.

Hindi lang ito usapin ng kalusugan—ito ay usapin ng ating 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍.

Bakit mahalaga ang 𝐏𝐑𝐄𝐁𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍?

•Upang matiyak ang 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 ng bawat ina at sanggol.
•Upang hindi mahinto ang 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 na siyang susi sa pag-asenso.
•Upang magkaroon ng sapat na 𝐊𝐀𝐊𝐀𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 bago pasukin ang mabigat na responsibilidad ng pagiging magulang.

Mga kabataan, tandaan: "𝐓𝐄𝐄𝐍𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐓𝐒: 𝐈𝐓’𝐒 𝐁𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐎 𝐖𝐀𝐈𝐓." Ang tunay na 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 ay nakakamit sa tamang panahon at tamang desisyon.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐘 at 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐀𝐁𝐋𝐄. Huwag hayaang ang isang pagkakataon ay maging hadlang sa iyong mas malawak na 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐈𝐍𝐎.







-𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧-𝐁𝐢𝐠𝐭𝐞

Editor: John Lloyd GC Sarmiento

🧠💚 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐌𝐀𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒 💚🧠Sa gitna ng hamon ng araw-araw, huwag kalimutang alagaan ang sarili—hindi lang ang katawan, k...
28/03/2026

🧠💚 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐌𝐀𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒 💚🧠

Sa gitna ng hamon ng araw-araw, huwag kalimutang alagaan ang sarili—hindi lang ang katawan, kundi pati ang isipan. 🌿

✨ 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩
✨ 𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧
✨ 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢
✨ 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨 𝐢𝐭𝐨

🌱 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲. Sa simpleng pag-aalaga sa sarili—tamang tulog, ehersisyo, at pakikipag-ugnayan—unti-unti nating napapalakas ang ating kalooban.

💬 𝐒𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢:
“𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐨 𝐢𝐭𝐨. 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐤𝐨.”

📢 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨—simulan sa sarili, at ipasa ang malasakit sa kapwa. 💚






-𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧-𝐁𝐢𝐠𝐭𝐞

Editor: John Lloyd GC Sarmiento

Address

Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Bigte Health and Nutrition posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category