Kap. Marlon Esteleydes Limboc

Kap. Marlon Esteleydes Limboc Serbisyong tapat
Para sa Bayan at Kalikasan
(1)

31/07/2026

BUONG PAHAYAG NG OCEANA PHILIPPINES TUNGKOL SA DESISYON NG KORTE NA IPAWALANG-BISA ANG FAO 266

Sa desisyong ito, inilibing ng Korte Suprema ang mga maliliit na mangingisda at ang kanilang mga pamilya sa mas malalim na hukay ng gutom at kahirapan.

Sa pagsasawalang-bisa ng FAO 266 - ang patakarang nag-oobliga sa mga commercial vessel na magkabit ng monitoring device - wala nang makakakita kung sinong barkong pang-komersyal ang pumapasok sa 15 kilometrong nakalaan sa maliliit na mangingisda.

Noong Martes, sa aming State of the Fisherfolk Address, tinanong namin ang gobyerno: para ba kayo sa mangingisda, o para sa negosyante?

Kahapon, para bang sinagot ito ng Korte Suprema.

Sa BFAR: iapela itong desisyon na ito, ngayon na.

Basahin ang buong pahayag dito: http://bit.ly/4xaqgdQ

DAHIL SA PULITIKA! 2013 na ambush ako after ng meeting ko sa Partido, iniligtas po kami ng Panginoon at walang namatay s...
22/05/2026

DAHIL SA PULITIKA!

2013 na ambush ako after ng meeting ko sa Partido, iniligtas po kami ng Panginoon at walang namatay sa aming 4 na magkakasama kahit puro tama ng bala ang katawan namin. Habang nagpapagaling ako noon ni Raid naman ang Bahay ko ng mga PNP- CIDG, sobrang takot ng aking mag iina. pero mabuti si Lord talaga, mababait ang mga pulis na ipinadala sa bahay ko. walang nakitang iligal na baril dahil may papel lahat at hindi sila gumawa ng mali kagaya ng nakikita natin sa mga News na nag Tataanim ng Ebidensya. Ngayon may simoy na naman ng pulitika sa Barangay, nakaka balita na naman po tayo ng hindi maganda, sana naman po ay maging patas at tama ang lahat ng magaganap!

ayaw po natin ng iligal!
ayaw po natin ng tiwali!
ayaw po natin ng labag sa batas!
para sa payapang papaya!

12/03/2026

Napakagandang regalo po nito sa akin ngayong araw! Sa tulong po ng Senado, sana ay tuluyan ng maibasura ang Mercidar Rulling na magpapahirap sa maliliit na mangingisda sa ating Bayan.

Para po sa kaalaman ng lahat, narito po ang buong detalye ng Senate Committee hearing: https://www.facebook.com/share/v/1AkUCq5uru/?mibextid=wwXIfr

Special na araw po ito para sa akin, nawa ang hiling ko po sa ating Panginoon para sa aking kaarawan ngayong araw ay hin...
12/03/2026

Special na araw po ito para sa akin, nawa ang hiling ko po sa ating Panginoon para sa aking kaarawan ngayong araw ay hindi maisakatuparan ang pag pasa ng Batas na ito na magpapahirap sa ating mga maliliit na mangungisda. Tulungan nawa tayo ng ating Senado na maibasura na ang Mercidar Rulling na ngayon ay nasa Supreme Court. Patuloy natin na ipaglaban ang ating 15 Kilometro Munisipal na Katubigan!

16/11/2025

Noong nakaarang November 14, 2025 ay nag release ang ating Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Nasugbu sa Pamumuno ng ating Butihing Mayor Tony Barcelon sa tulong ng ating masipag ma Municipal Agriculturist Mam Lora Destreza ng halagang 700,000 Pesos mula sa Gender and Development Fund na programa ng Municipal Agriculture Office, mabibiyayaan nito ang 70 mangingisda ng ating Bayan para pang umpisang puhunan, layunin din po mg programa na madagdagan pa ito para sa mas marami pang kapwa natin mangingisda ang mabibiyayaan. Ito po ay panimula pa lamang ng programa at naniniwala po kami na magiging matagumpay ito para sa hinaharap.





Address

Nasugbu
4231

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Marlon Esteleydes Limboc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share