16/03/2022
PNP ONLINE COMPLAINT DESK "E-REKLAMO"
Bilang bahagi ng "new normal", ang PNP ay naglunsad ng 'online complaint desk' kung saan maaari mo ng idulog ang iyong reklamo ng hindi na kailangan pang pumunta sa himpilan ng pulisya.
Magpadala lamang ng inyong mensahe sa facebook messenger ng police station na nakakasakop sainyo, kalakip ang mga impormasyon, lahat ng detalye ng inyong nais ireklamo, at valid ID ng nagrereklamo.
Ang buong police stations ng CALABARZON ay mayroong PNP ONLINE COMPLAINT DESK upang masigurado namin ang kaligtasang pangkalusugan ng ating mamamayan.
Hinihiling po namin ang kooperasyon ng bawat isa. Ang sinumang magpapadala ng mga fake information at kasinungalingan ay may karampatang parusa.
Mahalaga po na matugunan namin ang bawat reklamo ng ating mga kababayan upang maging mabilis at epektibo ang aming aksyon.