21/03/2026
PAGBATI AT PAGKILALA: JUANA NG KALSADA 2026 🏆👮♀️
Isang malaking karangalan at inspirasyon para sa buong Bayan ng Nabua, partikular na sa pamilya ng Public Order and Safety Unit (POSU), ang pagkilala kay Ms. Nina P. Masculino bilang opisyal na nominee ng LTO Iriga District Office para sa LTO Region V: Juana ng Kalsada 2026.
Bilang isang masipag na Lady Traffic Enforcer sa ating bayan, ipinamalas ni Ms. Masculino na ang serbisyo sa kalsada ay walang pinipiling kasarian. Ang kanyang disiplina, dedikasyon, at maayos na pakikitungo sa mga motorista ay tunay na simbolo ng isang "Juana" na may malasakit sa komunidad.
Ang nominasyong ito ay patunay na ang ating mga kababaihan sa serbisyo publiko ay katuwang natin sa pagtataguyod ng kaayusan, kaligtasan, at pag-unlad ng Nabua.
Mula sa pamunuan at mga kasamahan sa POSU Nabua, isang mainit na pagbati sa iyo, Ms. Nina! Saludo kami sa iyong patuloy na paglilingkod at sa pagpapakita na sa ating kalsada, bida ang husay at malasakit ng kababaihan.