17/08/2025
Matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika at Pagtatalaga ng mga Opisyal ng PTA at SGC
Agosto 15, 2025
Mabaay Elementary School
Sa temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa", matagumpay na idinaos ng Mabaay Elementary School ang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika na sinabayan ng pagtatalaga ng mga bagong halal na opisyal ng Parents-Teachers Association (PTA) at School Governing Council (SGC) para sa taong panuruan 2025โ2026.
Isang malaking karangalan para sa ating paaralan ang pagdalo at pangunguna ng ating Tagapagtalaga Hon. Randolf T. Awisan โPunong Bayan ng Bauko, na nagsilbi bilang tagapagtalaga. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikilahok ng bawat sektor para sa ikauunlad ng edukasyon at pagpapanatili ng ating pambansang identidad sa pamamagitan ng wika.
Kasama rin sa mga dumalo ang Punong Barangay, Hon. Bonnie C. Marquez upang magbigay ng suporta at iparating ang kanyang mensahe ng pakikiisa sa paaralan at mga magulang. Ang kanyang presensya ay nagpapatunay ng matatag na ugnayan ng barangay at paaralan tungo sa iisang layuninโang masig**o ang maayos, ligtas, at de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.
Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng opisyal na panauhin, magulang, g**o, mag-aaral, at mga katuwang na institusyon na naging bahagi ng makulay at makasaysayang kaganapang ito. Ang kanilang presensya at suporta ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at malasakit sa kabataan at sa kinabukasan ng bayan.
๐ Mabuhay ang Wikang Filipino at ang ating Katutubong Wika! Mabuhay ang ating pagkakaisa para sa isang mas maunlad na hinaharap! ๐