Tampok na Akda sa Asignaturang Filipino ng TTKHS

Tampok na Akda sa Asignaturang Filipino ng TTKHS Ito ay mga akda sa asignaturang Filipino ng JHS. Maaari itong mabasa ng offline o online man.

Maaaring Lumipad ang Tao Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Sinasabing iniinga...
07/02/2024

Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa k*mpol ng putik, uling na k*mikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa . Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. "Patahimikin mo iyan," sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa. Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. "Aalis ako nang mabilis," sabi niya pagdaka. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. "Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami." Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil. "Tumayo ka, ikaw, maitim na baka" hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. "Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat." "Sige anak, ngayon na ang panahon," sagot ni Toby "Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis." "K*m... yali, K*mbuba tambe," at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo'y balahibong umiilanlang sa hangin. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad. Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay "k*mk*mka yali, k*m... tambe!" Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig . "Bihagin ang matanda," sabi ng tagapagbantay. "Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya." Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby. Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi "heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan." At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo. "Buba... Yali... Buba... tambe..." May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. "Isama ninyo kami sa paglipad," kanilang wika, pero sila'y natatakot sumigaw. Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo "paalam" ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, "Kausapin mo sila ulilang kaluluwa!" At siya ay lumipad at naglaho. Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. "Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag." Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo. Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan. At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Tanong:
1. Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa Mitolohiya.

01/10/2023

Ang simposyum ay nangangahulugang isang pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Maaari ring pagpupulong kung saan may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa isang paksa. Ito’y isang paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan.

Dumalo si Tuwaang sa Isang Kasal(Halaw mula sa Tuwaang – Epikong Manobo)Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya...
01/10/2023

Dumalo si Tuwaang sa Isang Kasal
(Halaw mula sa Tuwaang – Epikong Manobo)

Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin sa kanyang tiyahin sa ina. Ito ay tungkol sa dapat niyang pagdalo sa kasal ng Mutya ng Monawon.

“Tuwaang, huwag ka nang pumunta,” pigil ng kanyang tiyahin. “Nararamdaman kong hindi ka mapapabuti roon.”

Nagmatigas ang determinadong si Tuwaang. Tiniyak niya sa kanyang tiyang na kaya niya ang kanyang sarili. Masidhi ang pagnanais niyang makita ng kagandahan ng dalaga ng Monawon.

Naghanda si Tuwaang at tumulak na sa pagdalo sa kasal. Isinakbit niya ang hugis-pusong buslo na maaaring makapagpakidlat, ginamit ang kupya at baluti na gawa pa ng mga diyosa, at dinala ang isang mahabang espada at punyal, maging ang kanyang kalasag at sibat.

Narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan sa pamamagitan ng talim ng kidlat. Nang nagpapahinga na siya roon ay nakarinig siya ng huni ng ibong gungutan. Tinangka niyang hulihin ang ibon ngunit nakita niya ang matatalim na tari nito. Nagsalita ang Gungutan at sinabi nito kay Tuwaang na dahil sa panaginip kaya niya nalaman ang pagdating ng binata, na gusto niyang samahan.

Isinama nga ni Tuwaang ang Gungutan sa pupuntahang kasalan. Pumailanlang ang dalawa sa himpapawid sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang mga balikat.

Pagdating sa Monawon, pinatuloy si Tuwaang sa bulwagan kung saan naupo siya sa isang ginintuang upuan, habang nakadapo sa isang haliging kahoy ang Gungutan.

Kasabay ng isang nakahahalinang tugtugin at hilera ng mga namumulaklak na puno, dumating ang Binata ng Panayangan. Dumating din ang iba pang magigiting –ang Binata ng Liwanon at ang Binata ng Pagsikat ng Araw. Samantalang ang ikakasal na Binata ng Sakadna ay dumating kasama ang isandaang tagasunod.

Sa kanyang pagdatal, buong pagyayabang na inutusan niya ang may-ari ng kabahayan na linisin ang bulwagan ng mga “dumki”, bilang pasaring sa mga katulad ni Tuwaang na dumating nang hindi naanyayahan. Bilang pagtugon, sinabi ni Tuwaang na may mga “pulang dahon” o mga tunay na bayani sa kabahayan.

Ang ilang paunang ritwal ay isinagawa muna bago inumpisahan ang seremonya ng kasal. Sa huli ay isa-isa nang inialay ang savakan, mga mamahaling kagamitan at pagkain na pag-aari ng babaeng ikakasal na babayaran ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal. Hanggang ang dalawang pinakamamahaling savakan na lamang ang natira.

Katumbas ng isang lumang agong na may sampung palamuti at siyam na nakaumbok na singsing ang isa sa mga natirang savakan. Ang ikalawa naman ay matutumbasan lamang ng isang gitarang ginto at isang plautang ginto. Inamin ng Binata ng Sakadna na hindi na niya kayang tubusin ang matirang mga kagamitan.

Sinagip ni Tuwaang ang lalaking ikakasal mula sa kahiya-hiyang kalagayan. Nakapagpalabas siya ng isang mas lumang agong na ibinigay sa ikakasal upang itumbas sa savakan sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang hininga. Ito ay tinanggap naman ng mga kaanak ng Mutya ng Monawon. Nakapagpalitaw din ng isang gitarang ginto at plautang ginto si Tuwaang.

Pagkatapos ng mga semonyang ito ay hiniling nang lumabas mula sa kanyang silid ang Dalaga ng Monawon upang hainan ang mga panauhin ng nganga. Inutusan ng dalaga ang sisidlan ng nganga upang magsilbi sa lahat at piliin ang kanyang mapapangasawa. Mula sa sisidlan ay tatalon ang isang buto ng nganga sa bibig ng tatapatang panauhin.

Sumunod ang sisidlan at mula rito ay dalawang buto ng nganga ang tumalon sa bibig ng Binata ng Sakadna. Pagtapat ng mahiwagang sisidlan kay Tuwaang, ito ay tumigil. Hindi na ito tuminag kahit tinangkang itaboy ito ni Tuwaang. Dahil dito ay nagpasya ang Mutya ng Monawon na sa tabi ni Tuwaang umupo.

Talagang napahiya ang Binata ng Sakadna sa mga nangyari. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon sa isang labanan hanggang kamatayan si Tuwaang. Tinanggap ni Tuwaang ang hamon ngunit pinigilan muna siya ng babaing ikakasal upang masuklayan ang kanyang buhok bago makipaglaban.

Naarok ni Tuwaang ang pagmamahal at paghanga sa mga mata ng dala habang sinusuklayan siya nito at binabalaang mag-ingat sapagka’t ang Binata ng Sakadna ay hindi patas lumaban.

Tiyak ang pangako ni Tuwaang na mag-iingat siya para sa binibini bago siya lumabas ng bulwagan upang harapin sa laban ang Binata ng Sadkana.

Isandaang lalaki ang kasama ng Binata ng Sadkadna samantalang ang gungutan lamang ang tanging kasama ni Tuwaang. Ngunit lumaban siya nang buong giting at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng mahiwagang ibon ang siyamnapu’t apat na lalaki. Madali rin nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo.

Si Tuwaang na lamang at ang Binata ng Sakadna ang naghahamok. Isang malakas na hampas ang inilatay ng katunggali kay Tuwaang at ito’y tumilapon at humampas sa isang malaking bato. Napulbos ang bato at nagkandatumba ang mga punong kinatalsikan ni Tuwaang dahil sa lakas ng kanyang pagkakatilapon.

Sinunggaban ni Tuwaang ang kanyang kaaway at buong lakas niya itong inihagis nang paibaba. Dahil sa matinding pagkakahagis ni Tuwaang, lumubog sa ilalim ng lupa ang Binata ng Sakadna. Gayunpama’y muling nakabawi ito at lumitaw upang muling harapin sa Tuwaang sa pamamagitan ng isang malakas na tulak na nagpabaon kay Tuwaang sa ilalim ng lupa, kung saan nakaabot siya kay Tuwaha, ang diyos ng mga lamang-lupa.

Mula kay Tuwaha, nabatid ni Tuwaang ang lihim upang magapi niya ang kanyang kaaway. Pag-ahon ni Tuwaang sa ibabaw ng lupa upang muling makipaglaban, winasak niya ang plautang ginto doon lihim na itinago ng Binata ng Sakadna ang kanyang buhay. Dahil doon, nasawi ang buhay ng Binata ng Sakadna.

Kasama ng Gungutan, iniuwi ni Tuwaang ang mutya ng Monawon sa Kuaman at doon sila namuhay at naghari magpakailanman. (source: https://all-about-filipino.blogspot.com/2011/01/dumalo-si-tuwaang-sa-isang-kasalan.html)

Mula sa Epiko ni Gilgameshsalin sa Ingles ni N.K. Sandarssaling-buod sa Filipino ni Cristina S. ChiocoMga Tauhan:• Anu -...
01/10/2023

Mula sa Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

Mga Tauhan:
• Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
• Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
• Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
• Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
• Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
• Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
• Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
• Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
• Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
• Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim
• Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik.

Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapanipaniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiyahiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Dekada’70 (buod)Ni Lualhati BautistaAng panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang Pilipino. Isan...
01/10/2023

Dekada’70 (buod)
Ni Lualhati Bautista

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamamayan. Laganap sa bansa noong Martial law ang ibat-ibang klase ng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyante imbes na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang bumabagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ina ng 5 anak na pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at asawa at nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring niya na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparin niya na rin.
Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang komunista, di-man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya natagpuan ang katuparan ng kanyang pangarap para sa anak nila ni Mara at iba pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukassan.
Sumunod si Gani, maagang nag–asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Ang pangatlo ay si Em, pinakamatalino sa magkakapatidnaging isang magaling na manunulatsa isang lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.
Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyante ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak. Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan, ngayo’y magtatapos nang kolehiyo.
Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng ma*****na. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason. Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules.
Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal. May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.

Ang Kuba ng Notre DameNi Victor Hugo Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si Quasimodo na ...
01/10/2023

Ang Kuba ng Notre Dame
Ni Victor Hugo

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si Quasimodo na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda, maging ang paring k*mupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip si Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo.
Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo.
Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

Ang KuwintasNi Guy de Maupassant Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahali-halina, ngunit...
01/10/2023

Ang Kuwintas
Ni Guy de Maupassant
Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahali-halina, ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na angkan. Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap ding pamumuhay na ang pinagkakakitaan ay tagasulat lamang sa isang pampublikong paaralan. Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat ayon sa kanyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at kahali-halina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.
Isang araw ay dumating ang kanyang asawa na si G. Loisel at ibinalita nito sa kanya na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau. Ngunit ito ay hindi ikinatuwa ni Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida.
Gayon man si Matheldi ay hindi pa rin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw siyang alahas o hiyas na maisusuot, kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang kuwintas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Madame Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan ni Matheldi ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang kagandahan sa mga babaeng nandoon at marami ang humanga sa kanya.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa. Masayang-masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na nawawala ang kuwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Madame Forestier. Kaya naman naisipan nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang maisauli kay Madame Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga. Dahilan upang sila ay maghirap nang dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang , upang mabili lamang ang kuwintas na iyon.
Pagkalipas ng sampung taon, natapos na nilang bayaran ang kanilang mga pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan na si Madame Forestier, nagulat pa ito at nagtaka sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang pinag-iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng kuwintas na hiniram niya rito. At napilitan sila na bumili ng kapalit nito kahit sa mahal na halaga. Ngunit ayon kay Madame Forestier na ang kuwintas na ipinahiram niya kay Matheldi ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko lamang.

Ang Ningning at Ang Liwanag (Mula sa Liwanag at Dilim)ni Emilio JacintoAng ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa pani...
01/10/2023

Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalonglalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na k*muha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

Mensahe ng Butil ng Kape“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )  Isa...
01/10/2023

Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, k*mulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?”, bulong ng ama. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” ,nagugulumihanang tanong ng anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa k*mukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa k*mukulong tubig ay naging malambot na k*makatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa k*mukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang k*mukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay k*matok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O, kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng k*mukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O, maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa k*mukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang k*mukulong tubig,” paliwanag ng ama. “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama. “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari? “Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?”, tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…”

Address

Midsayap
9410

Telephone

+639494154547

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tampok na Akda sa Asignaturang Filipino ng TTKHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tampok na Akda sa Asignaturang Filipino ng TTKHS:

Share