12/08/2026
💚
"700 KILONG PLASTIK, GINAWANG 35 ARMCHAIR PARA SA MGA ESTUDYANTE SA ILOILO"
AJUY, ILOILO — Isang magandang halimbawa ng wastong pamamahala ng basura ang ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Ajuy matapos gawing 35 matitibay na armchair ang 700 kilo ng nakolektang plastik na basura.
Ang mga armchair ay ipinagkaloob sa Ajuy National High School upang magamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Naging posible ang proyekto sa pakikipagtulungan ng DENR-Environmental Management Bureau Region VI, Subay Marketing, at Angelina Bakeshop.
Ayon sa DENR, ang inisyatibong ito ay nagpapatunay na ang mga basurang plastik ay maaari pang maging kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng recycling at tamang waste management.
Sinabi naman ni DENR Secretary Juan Miguel T. Cuna na mahalagang maitaguyod ang mga programang nagpapakita na ang basura ay maaaring gawing mahalagang yaman para sa komunidad.
Mula sa pagiging dating lumabag sa mga alituntunin sa solid waste management, kinikilala ngayon ang Ajuy bilang huwaran sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.
---