Sangguniang Barangay ng Pandayan

Sangguniang Barangay ng Pandayan Official Page

Dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pag-ulan, maraming basurang inanod ng tubig at naipon sa creek ng Barangay Pandayan n...
01/06/2026

Dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pag-ulan, maraming basurang inanod ng tubig at naipon sa creek ng Barangay Pandayan na maaaring magdulot ng pagbabara at pagbaha sa ating komunidad.

Bilang agarang tugon, nagsagawa ng operasyon sa paglilinis ang Sangguniang Barangay ng Pandayan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Arsenio B. Lunaria, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO), upang alisin ang mga naipong basura at mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa isinagawang paglilinis. Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang Barangay Pandayan.


01/06/2026

Flood Update as of 9:59 A.M.

Ang Albatross Street ay hindi passable para sa mga light vechicle. Ang alternatibong daan ay ang Pelican Street at St. Francis Subdivision.

Salamat!

Matagumpay na isinagawa ang Seminar sa Kaligtasan sa Sunog at Demonstrasyon ng Tamang Paggamit ng Fire Extinguisher bila...
01/06/2026

Matagumpay na isinagawa ang Seminar sa Kaligtasan sa Sunog at Demonstrasyon ng Tamang Paggamit ng Fire Extinguisher bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng ating barangay laban sa mga insidente ng sunog.

Dinaluhan ito ng mga Barangay Tanod at mga kinatawan mula sa iba't ibang sitio na itinuturing na mataas ang panganib sa sunog. Sa pamamagitan ng seminar, nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman ukol sa pag-iwas sa sunog, wastong pagtugon sa mga emerhensiya, at tamang paggamit ng fire extinguisher upang makatulong sa agarang pag-apula ng maliliit na sunog.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang pamamahagi ng mga fire extinguisher sa mga lugar na may mataas na posibilidad na magkaroon ng sunog upang higit pang mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng ating komunidad. Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng barangay na mabawasan ang panganib ng sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng ating mga mamamayan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Punong Barangay Arsenio B. Lunaria sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Jersonix Enterprises sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at pagsasagawa ng makabuluhang demonstrasyon na nagbigay ng dagdag na kakayahan at kumpiyansa sa ating mga kalahok.

Sa Barangay Pandayan, patuloy nating isinusulong ang kahandaan, pagkakaisa, at kaligtasan ng bawat mamamayan.


Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, patuloy po ang isinasagawang paglilinis at pagsasaayos ng mga creek at kanal...
29/05/2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, patuloy po ang isinasagawang paglilinis at pagsasaayos ng mga creek at kanal sa ibaโ€™t ibang lugar sa Barangay Pandayan sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Pandayan.

Kasalukuyang nililinis ang mga creek mula Floro Park papuntang P. Lunaria at St. Francis, gayundin ang kahabaan ng creek sa Metrogate at Service Road upang masiguro ang maayos na pagdaloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Patuloy din ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal sa mga lugar ng Rial Street, R. Ipapo Stret, Jurado Street, C. Rivera Street at Teodora Ville, gayundin sa mga lugar na madalas bahain tuwing malakas ang ulan. Kasabay nito ay ang patuloy na paglalagay ng mga bakal na cover sa mga kanal upang maiwasan ang pagbabara dulot ng pagtatapon ng basura at iba pang kalat na nagiging sanhi ng pag-apaw ng tubig.

Nagkaroon din ng paglalagay ng river walling sa creek ng Jurado at Rivera upang makatulong sa pag-iwas sa pag-apaw ng tubig. Samantala, matagumpay nang natapos ang river walling project sa P. Lunaria.

Samantala, patuloy rin ang pag-titrim ng mga sanga ng puno sa iba't ibang lugar ng Pandayan upang malinis ang mga linya ng kuryente at hindi na maging sanhi pa ng anumang aksident.

Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng ating barangay upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan ngayong panahon ng tag-ulan.


22/05/2026

๐ŸŽ‰ Clinic Blessing & Medical Mission ๐ŸŽ‰

As part of the blessing of Dr. Garcia-Ame Medical Clinic, we warmly invite everyone to our FREE Medical Mission in cooperation with:

With the support of Fraternal Order of Eagles and LRI Therapharma of Unilab, Lower Bulacan. โค๏ธ

๐Ÿ“… May 24, 2026
๐Ÿ•ฃ Registration: 8:30 AM
๐Ÿ•˜ Program Proper: 9:00 AM โ€“ 12:00 NN

FREE services:
โœ” Blood Pressure Check
โœ” Blood Sugar Test
โœ” Uric Acid Test
โœ” Bone Scan
โœ” Hemoglobin / Hematocrit
โœ” Free Consultation

Health Lecture: Hypertension and Diabetes
To be conducted by Dr. Reynaldo C. Ame III and Dra. Laarny Garcia-Ame.

๐Ÿ“Œ As much as we would love to accommodate everyone, the event is limited to the FIRST 50 PATIENTS only.

๐Ÿ“Œ First come, first served.
Numbered stubs will be provided upon registration.

See you as we celebrate this special milestone with us! ๐Ÿคโœจ

15/05/2026

ANNOUNCEMENT!

RELEASING NG LABORATORY RESULT MAY 18, 2026 (MONDAY) 8:00 NG UMAGA HANGGANG 12:00 NG TANGHALI LAMANG SA PANDAYAN ZONE 1 OUTPOST, BARANGAY PANDAYAN, CITY OF MEYCAUAYAN, BULACAN.

ITO AY NAGANAP NOONG MAYO 13, 2026.

MARAMING SALAMAT!

14/05/2026
14/05/2026

๐”๐‹๐€๐“ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐๐† ๐‡๐€๐๐†๐ˆ๐ | As of 9:00 AM, 14 May 2026

Batay sa pinakahuling datos mula sa Continuous Ambient Air Quality Monitoring Station (24hr Rolling Average Concentration):

๐— ๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐—ฎ๐˜‚๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป)
- PM2.5: 23.9 ug/Ncm โ€“ Maganda ang Kalidad (Good)

Saklaw ng datos (5 km radius):
Bahagi ng mga sumusunod na lungsod at munisipalidad:
๐Ÿ“Meycauayan City
๐Ÿ“Marilao
๐Ÿ“Obando
๐Ÿ“Valenzuela City

๐—ข๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป)
- PM2.5: 15.8 ug/Ncm โ€“ Maganda ang Kalidad (Good)

Saklaw ng datos (5 km radius):
Bahagi ng mga sumusunod na lungsod at munisipalidad:
๐Ÿ“Obando
๐Ÿ“Meycauayan City
๐Ÿ“Marilao
๐Ÿ“Valenzuela City
๐Ÿ“Navotas City
๐Ÿ“Malabon City

Ano nga ba ang Particulate Matter 2.5 (PM2.5)?
- PM2.5 - mas pinong particles na mas mapanganib dahil kaya nitong pumasok nang mas malalim sa baga.

Manatiling maalam at mag-ingat upang mapangalagaan ang ating kalusugan.

14/05/2026

Address

King Fisher Street , St. Francis Village, Pandayan
Meycauayan
3020

Telephone

+639950619722

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Pandayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Pandayan:

Share