02/06/2026
BALIK ESKWELA: Gamit pang eSKwela, Handog sa Kabataan!
Magandang araw, Batang 33! Bilang bahagi ng balik eskwela sa taong 2026-2027, ang Sangguniang Kabataan ay muling mamahagi ng school supplies para sa mga kabataan ng Barangay 33.
Ang pamimigay ng school supplies ay gaganapin sa June 06, 2026, Sabado sa ganap na ala- 1 ng tanghali sa 1038 Covered Court.
Ang nasabing school supplies ay para sa antas ng Elementary, High School, Senior High at College. Narito ang palatuntunan sa pagkuha ng school supplies:
* Para sa mga kabataan na nasa Elementary, High School, Senior High at College, magdala ng current School ID o kahit anong katunayan na kayo ay enrolled sa taong 2026-2027.
* Ang stub para sa school supplies ay limitado lamang.
PAALALA: Ang mga school supplies ay mahigpit naming pinapaalala na estudyante lamang ang maaaring kumuha.