Councilor “Tita Jen” Landicho

Councilor “Tita Jen” Landicho Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Councilor “Tita Jen” Landicho, Government Official, District IV, Mataasnakahoy.

✅ June 08, 2026🇵🇭🏛️ FLAG RAISING CEREMONY AT REGULAR SESSIONNaging bahagi ng isinagawang Flag Raising Ceremony at Regula...
08/06/2026

✅ June 08, 2026

🇵🇭🏛️ FLAG RAISING CEREMONY AT REGULAR SESSION

Naging bahagi ng isinagawang Flag Raising Ceremony at Regular Session ang turnover ng mga water dispenser na ipinagkaloob ni Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva para sa mga paaralan sa buong Bayan ng Mataasnakahoy.

Sa simpleng handog na ito, masisig**o ang mas madaling access ng mga mag-aaral at g**o sa malinis na inuming tubig habang sila ay nasa paaralan. Isa itong patunay ng patuloy na malasakit at suporta sa kapakanan ng ating mga kabataan at sa pagpapabuti ng kanilang kapaligiran sa pag-aaral🙏🏻


✅ June 04, 2026🏘️ PAGBISITA SA MGA BARANGAY PARA SA MGA PANUKALANG RECLASSIFICATIONNagsagawa ng pagbisita sa Barangay Sa...
05/06/2026

✅ June 04, 2026

🏘️ PAGBISITA SA MGA BARANGAY PARA SA MGA PANUKALANG RECLASSIFICATION

Nagsagawa ng pagbisita sa Barangay Santol at Calingatan ang mga kinauukulang opisyal kaugnay ng mga panukalang reclassification ng mga lupain sa bayan, kasama ang mga kawani ng Engineering Office, MPDC, Agri, SB Staff, SB Sec Dr. Gina Ocampo, Konsehal P**o Dimaano, Committee Chairman on Land Used, ABC Kap Jerry Reyes at ang inyo pong lingkod, Vice Chairman ng Committee on Land Used, Konsehal Jorgen Landicho.

Layunin ng mga pagbisitang ito na magkaroon ng mas malinaw at masusing talakayan kasama ang mga barangay officials, property owners upang mapakinggan ang kanilang mga saloobin, masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga lugar at matiyak na ang bawat panukala ay naaayon sa mga umiiral na patakaran at sa pangmatagalang plano para sa kaunlaran ng bayan🙏🏻


05/06/2026

HAPPY FIESTA, BRGY. KINALAGLAGAN!🙏🏻


04/06/2026
✅ June 03, 2026📖 PUBLIC HEARING PARA SA CHILDREN’S CODEIsinagawa ang Public Hearing para sa panukalang Children’s Code n...
04/06/2026

✅ June 03, 2026

📖 PUBLIC HEARING PARA SA CHILDREN’S CODE

Isinagawa ang Public Hearing para sa panukalang Children’s Code ng Bayan ng Mataasnakahoy na dinaluhan ng mga g**o, Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Bayan Members, Chairman on Committee on Social Services, Children, LGBT, Community Development and OFW, Kgg. Lileth Acerimo, Vice Chairman Kgg. Jorgen Landicho at Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva.

Layunin ng pagdinig na makakalap ng mga pananaw at rekomendasyon mula sa iba’t ibang sektor upang higit na mapalakas ang mga programang nagtataguyod sa kapakanan, proteksyon at karapatan ng mga kabataan sa ating bayan🙏🏻


✅ June 01, 2026 🏛️ 47th REGULAR SESSIONSa unang araw ng Hunyo, isinagawa ang ika-47 na Regular Session ng Sangguniang Ba...
01/06/2026

✅ June 01, 2026

🏛️ 47th REGULAR SESSION

Sa unang araw ng Hunyo, isinagawa ang ika-47 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Mataasnakahoy kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin at programang nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng bayan at kapakanan ng mga mamamayan🙏🏻


✅ May 28, 2026👑✨ BINIBINING BARANGAY HEALTH WORKER AT BNSIsang umaga ng saya, pagkilala at inspirasyon ang naging tampok...
29/05/2026

✅ May 28, 2026

👑✨ BINIBINING BARANGAY HEALTH WORKER AT BNS

Isang umaga ng saya, pagkilala at inspirasyon ang naging tampok sa ginanap na Binibining Barangay Health Worker (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa pangunguna ng Municipal Health Office, Dra. Karla Caraan, Sangguniang Bayan Members at Acting Municipal Mayor, Engr. Earel Gardiola para sa ating mga masisipag na lingkod ng kalusugan at nutrisyon sa komunidad.

Hindi lamang kagandahan at talento ang kanilang ipinamalas, kundi pati ang dedikasyon at malasakit sa patuloy na paglilingkod para sa mamamayan ng Mataasnakahoy🙏🏻

Maraming salamat din sa bumubuo ng Rotary Club of Mataasnakahoy sa mga kanilang ibinahagi sa BFP,MDRRMO at sa mga kapitan ng ating bayan.


✅ May 25, 2026🏛️ 46th REGULAR SESSIONPinangunahan ni Acting Vice Mayor Ferdinand Dimaano ang isinagawang Regular Session...
26/05/2026

✅ May 25, 2026

🏛️ 46th REGULAR SESSION

Pinangunahan ni Acting Vice Mayor Ferdinand Dimaano ang isinagawang Regular Session kung saan masusing tinalakay ng Sangguniang Bayan ang iba’t ibang usapin, panukala, at programang nakatuon sa mas maayos na serbisyo at patuloy na pag-unlad ng mamamayan ng Mataasnakahoy🙏🏻

Kasabay nito ang orientation para sa unang araw ng mga SPES beneficiaries.


✅ May 19, 2026🌊🐟 MATAASNAKAHOY FISHERFOLKS DAYMasayang ipinagdiwang ang Fisherfolks Day sa lakeshore area ng Brgy. Kinal...
19/05/2026

✅ May 19, 2026

🌊🐟 MATAASNAKAHOY FISHERFOLKS DAY

Masayang ipinagdiwang ang Fisherfolks Day sa lakeshore area ng Brgy. Kinalaglagan, kabilang ang mga mangingisda mula sa Brgy. Nangkaan, Lumanglipa, at Kinalaglagan bilang pagkilala sa sipag, sakripisyo, at mahalagang ambag ng ating mga mangingisda sa kabuhayan at komunidad🙏🏻

Maraming salamat sa isang selebrasyon ng pagkakaisa at pasasalamat na pinangunahan ng buong Municipal Agricultural Office kasama po ang inyong likod, Konsehal Tita Jen Landicho, Sangguniang Bayan Members, Department Heads at ang ating punong bayan Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva, Vice Mayor Engr. Earel Gardiola, kawani ng Regional Agricultural Office para sa ating mga fisherfolks na patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagpapaunlad ng bayan🌿


✅ May 18, 2026🏛️ 45th REGULAR SESSION, LEGISLATIVE AT EXECUTIVE MEETINGNagkaroon ng Regular Session kasabay ng Legislati...
19/05/2026

✅ May 18, 2026

🏛️ 45th REGULAR SESSION, LEGISLATIVE AT EXECUTIVE MEETING

Nagkaroon ng Regular Session kasabay ng Legislative at Executive Meeting upang talakayin ang mga usapin at programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad at mas maayos na serbisyo para sa mga Kahoyeños🙏🏻


Address

District IV
Mataasnakahoy
4223

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor “Tita Jen” Landicho posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share