06/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐'๐ฌ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐-๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
Nakiisa si ๐ฝ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ sa PAG-ATAMAN 2026: Peacebuilding through Accountable Governance, Action, Transparency, Advocacy, Multi-sectoral Collaboration, and Nation-building, isang Regional Consultative-Workshop and Executive Learning Forum para sa mga Local Chief Executives (LCEs) na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region VIII noong Agosto 6, 2026 sa Lungsod ng Tacloban.
Dinaluhan ng naturang gawain ang mga lokal na punong ehekutibo at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang si ๐ฎ๐๐. ๐น๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐
๐๐๐ at iba pang mga alkalde mula sa Silangang Visayas, upang talakayin ang mga pinakabagong pambansang polisiya, mga estratehikong prayoridad, at mga inisyatibang nakatuon sa kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko, cybersecurity, katatagan ng mga komunidad, at epektibong pamamahalang lokal.
Ang paglahok na ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng lokal na pamahalaan na palakasin ang mahusay at tumutugong pamumuno, higit pang paigtingin ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, at isulong ang mga programang naglalayong makabuo ng mas ligtas, mapayapa, at matatag na mga komunidad.