13/04/2025
Dalawang Lalaki, Arestado sa Cawayan, Masbate dahil sa iIegal na Droga at Baril
Camp Col. Bonny Serrano, Masbate City – Arestado ang dalawang lalaki sa Brgy. Mahayahay, Cawayan, Masbate dakong 11:09 ng gabi noong Abril 10, 2025, sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act).
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bab”, 53 anyos na lalaki, walang trabaho, at residente ng Purok 3, Brgy. Mahayahay, Cawayan, Masbate; at si "Lor", 45 anyos, lalaki, habal-habal driver, at residente ng Purok 4, Brgy. Taberna, Cawayan, Masbate.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang Php 170,000, ilang drug paraphernalia, tatlong uri ng baril (isang kalibre .357 revolver, isang Smith & Wesson kalibre .357 magnum, at isang kalibre .45 pistol), at iba’t ibang uri ng bala.
Pinangunahan ang operasyon ng Cawayan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ng kanilang hepe, katuwang ang PIU-PPDEU, 502nd Maneuver Company ng RMFB 5, at PDEA Regional Office 5. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na nilagdaan ni Hon. Teofilo B. Tambago ng RTC Branch 49 sa Cataingan, Masbate.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cawayan MPS ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
Sa isang pahayag, pinuri ni Masbate Police Provincial Director, PCOL JEFFERSON B ARAOJO, ang Cawayan MPS sa kanilang mabilis at matagumpay na operasyon. Aniya, ito ay patunay ng patuloy na pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga at mga hindi lisensyadong baril sa lalawigan ng Masbate.
PCADG Bicol Region
PNP Kasurog Bicol