02/11/2025
𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 📣📣📣
Batay sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA, mararanasan ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa lalawigan ng Masbate simula bukas, Lunes, Nobyembre 3, 2025, dulot ng Tropical Cyclone . Inaasahan din ang pagtaas ng tubig-dagat (storm surge) at pagbaha sa mga mabababang lugar, gayundin ang pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan.
Bilang pag-iingat at para sa kaligtasan ng ating mga estudyante, g**o, at mga magulang:
📌 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝗯𝗮𝘁𝗲 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟱.
Ang opisyal na Executive Order ay ilalabas sa mga susunod na sandali.
Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na:
✅ Manatili sa ligtas na lugar at umiwas sa mga baybaying bahagi.
✅ I-monitor ang mga abiso mula sa inyong LGU, PDRRMO, at DOST-PAGASA.
✅ Maging handa sa posibleng emergency at agad tumugon sa mga paalala ng awtoridad.
Nakaalerto ang ating Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang kaugnay na ahensya upang tumugon anumang oras.
Maghimat po kita tanan kag magin Alerto!