17/09/2026
Isinagawa ngayong araw sa Apawan , Loma de Gato ang pagdiriwang ng World Patient Safety Day, na may layuning patuloy na palawakin ang kaalaman at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kabarangay.
Nagkaroon ng libreng TB-HIV Screening, Blood Sugar Testing, Health Lectures, at Medical Consultation para sa mga residente.
Maraming salamat sa Municipal Health Office at sa ating mga Barangay Health Workers na walang sawang naglilingkod at tumutulong sa ating mga kabarangay. Ang inyong oras, malasakit, at patuloy na serbisyo ay malaking bahagi ng pagkakaroon ng mas malusog na komunidad.
Patuloy nating ilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat bahagi ng Loma de Gato.