Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph

  • Home
  • Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph

Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph, Government Official, Marawi City, .

Deeply grateful to serve as Training Director for the UNDP-funded executive course: Strengthening Local Governance for P...
18/02/2026

Deeply grateful to serve as Training Director for the UNDP-funded executive course: Strengthening Local Governance for Peace and Social Cohesion: Leadership and Governance for Conflict Prevention and Peacebuilding for BARMM LGUs, facilitated in partnership with the Ateneo School of Government.

Over three intensive and highly engaging days, we brought together dedicated Local Government Unit (LGU) executives and legislators from the eight newly created municipalities in the Special Geographic Area (SGA), along with other municipal LGUs from Maguindanao, municipal planners, and officials from the Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

The program provided a focused platform to explore conflict-sensitive policymaking, peacebuilding strategies, and approaches to fostering peaceful, cohesive, and resilient communities across the region.

This experience represented a meaningful full-circle moment for me. As a former Commissioner of the Bangsamoro Transition Commission (BTC), I actively advocated for and supported the inclusion of the 63 barangays from North Cotabato into the Bangsamoroโ€”contributing to the foundational steps toward greater autonomy and stability.

My sincere thanks to all participants for their commitment, trust in the process, and active engagement. Together, we advanced shared goals of inclusive governance and sustainable peace.

Grateful for the continued collaboration with UNDP Philippines and the Ateneo School of Government in building stronger institutions and communities.


Muli maraming salamat Mayor Joy Belmonte sa pagkilala sa kababaihang Bangsamoro sa natatanging Bangsamoro Women Exhibit ...
22/01/2026

Muli maraming salamat Mayor Joy Belmonte sa pagkilala sa kababaihang Bangsamoro sa natatanging Bangsamoro Women Exhibit sa loob ng Tandang Sora Museum.

Napakalaking karangalan po na mapabilang sa 9 na kababaihang Moro sa ibat-ibang larangan na naglilingkod sa bayan.

Senator Santanina Rasul-First Muslim Woman Senator
Princess Tarhata Alonto Lucman-First Female Governor of Lanao
Sitti Djalia Turabin Hataman-Mayor Isabela
Maisara Dandamun Latiph-First Chairperson Marawi Compensation Board and 1st BTA Parliament Member
Samira Gutoc Tomawis-Peace Advocate
Faydah Dumarpa- Commissioner, Human Rights Commission
Princess Habibah Sarip Paudac-1st Hijabi National Media
Myra Paz Valderroza Abubakar- Tourism
Fatima Lipp Panontongan-Education

Pagbati sa 2026 Tandang Sora Awardee Ms. Felicite Jean Gonzales, isang natatanging huwaran ng kababaihan.

Binabati ko rin ang QC Bangsamoro Affairs Office sa ialalim ni Col. Jamel Jaymalin at QC Tourism sa tagumpay ng inisiatibong ito para sa kababaihan Moro. Mabuhay ang QC Government.

Bangsamoro Women's Exhibit in Tandang Sora Museum, Quezon City formally opens on January 6, 2026 led by Mayor Joy Belmon...
08/01/2026

Bangsamoro Women's Exhibit in Tandang Sora Museum, Quezon City formally opens on January 6, 2026 led by Mayor Joy Belmonte and former MCB Chairperson Maisara Dandamun-Latiph and Quezon City Bangsamoro Affairs Office Head Col. Jamil Jaymalin.

The exhibit is an initiative of the QC Bangsamoro Affairs office featuring profiles of women leaders, arts and crafts, and traditional attire of Bangsamoro women.

๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Œ๐‚๐ ๐€๐๐๐”๐€๐‹ ๐‘๐„๐๐Ž๐‘๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐“๐‡๐„ ๐˜๐„๐€๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’This Annual Report for the year 2024 shows an extensive look at the Board's ac...
21/04/2025

๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Œ๐‚๐ ๐€๐๐๐”๐€๐‹ ๐‘๐„๐๐Ž๐‘๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐“๐‡๐„ ๐˜๐„๐€๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

This Annual Report for the year 2024 shows an extensive look at the Board's accomplishments, operational progress, and future goals. It includes the Major Announcements published by the board, a summary of accomplishments of the Docket Unit, Legal Unit, Technical Unit, Board En Banc, Human Resource Unit, and initiatives of the Information and Technology team. It also provides details on the engagements with stakeholders and partners.

Avail PDF copy at https://drive.google.com/file/d/1duafkBqR1ehdklKevqtm1YT_2fb57bND/view?usp=sharing

Sharing my reflections as Chairperson of MCB on healing and rebuilding communitiesโ™ฅ๏ธ
09/04/2025

Sharing my reflections as Chairperson of MCB on healing and rebuilding communitiesโ™ฅ๏ธ

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐€๐€๐‹๐€๐Œ ๐’๐ˆ ๐€๐“๐“๐˜. ๐Œ๐€๐ˆ๐’๐€๐‘๐€ ๐‚. ๐ƒ๐€๐๐ƒ๐€๐Œ๐”๐-๐‹๐€๐“๐ˆ๐๐‡ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‚๐‡๐€๐ˆ๐‘๐๐„๐‘๐’๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐‚๐ Nagpasalamat si Atty. Maisara ...
25/03/2025

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐€๐€๐‹๐€๐Œ ๐’๐ˆ ๐€๐“๐“๐˜. ๐Œ๐€๐ˆ๐’๐€๐‘๐€ ๐‚. ๐ƒ๐€๐๐ƒ๐€๐Œ๐”๐-๐‹๐€๐“๐ˆ๐๐‡ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‚๐‡๐€๐ˆ๐‘๐๐„๐‘๐’๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐‚๐

Nagpasalamat si Atty. Maisara sa MCB at nag-paalam bilang Chairperson sa isanng turn-over noong March 24, 2025.

โ€œIsang malaking karangalan na maglingkod sa Bangsamoro para tugunan ang mandato ng MCB bilang Chairperson,โ€ ayon kay Atty. Maisara.

Sa loob ng dalawang taon, bilang Chairperson, nahigitan pa ng MCB ang mga kongkretong milestones na nilahad ko at ipinangako ko sa Kagalang-Galang na Punong Kalihim Bersamin noong Enero 2023.

Ayon sa kanyang statement sinabi niya:

โ€œipanagmamalaki ko ang pagtaguyod ng MCB na nagsimula sa 1B na budget ngayon ay 5.3B, nakakuha ng gusali para sa opisina na walang gastos sa renta, naitalaga ang mga kawani na may sapat na kakayahan, naglatag ng epektibong sistema, at nagbayad ng mga claimants anim na buwan pagkatapos maitaguyod ang MCB.

โ€œSa ngayon nagbabayad na ang MCB ng halagang sobra sa sa Php 1.5B para sa 848 na claimants na aprobahan na mahigit kumulang na Php 2,393,189,880.87 para sa higit 1,391 claimants.

Ang pinakamahalaga dito ay ang tiwala ng claimants sa proseso at ang paghahatol ng MCB sa mga claims".

โ€œSa isang personal na bagay, natupad na rin po ang aking pangarap na maitaguyod sa
Bangsamoro ang isang institusyon katulad ng MCB na nakamit ang tiwala ng taong-bayan.

Ito ay isa sa pinaka mahalagang layunin ko noong tinangggap ko ang posisyon ng Chairperson. Mahirap pero nakaya ito sa isang konteksto ng post-conflict region sa maikling panahon na dalawang taon,โ€ ayon sa kanya.

โ€œHabang lilisanin ko ang pagiging Chairperson at ipapasa ito sa bagong Chairperson Moslemen T. Macarambon, Sr. ako po ay may pusong maligaya dahil mayroon nang nakalatag na mahuhusay na kawani, epektibong sistema, panuntunan, proseso, at operasyon ng MCB mula sa aking pamumuno. Nagsisimula na rin po bumangon ang Marawi dahil sa ating kompensasyon.

Naka walong taon na rin akong nag-silbi sa Bangsamoro mula pa noong February 2017.

At tila, na sakripisyo at napabayaan ang oras at kalinga ko sa aking pamilya.

Pero ito naman ay may malalim na saysay. Masaya ako dahil ang naging kapalit ay ang
pakinabang ng taong bayan sa aking pamamahala. Nilagak ko ang mga panahon ko sa dedikasyon at pag susumikap magampanan ang mandato ng aming opisina."

โ€œMuli, maraming salamat po sa pagkakataong mag-silbi at maging kassama niyo sa pagtaguyod ng MCB.

Masaya ako dahil, iniwan ko ang MCB na matatag, mayroong systema, at maipagmamaliki na kaya pala ng Bangsamoro magtaguyod ng ahensya katulad ng MCB.โ€

โ€œSalamat sa inyong lahatโ€™.โ€™



๐Œ๐‚๐ ๐๐€๐†๐Š๐€๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐๐Ÿ•๐Ÿ“.๐Ÿ”๐Œ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐๐„๐๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐ˆ๐Š๐“๐ˆ๐Œ๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐€๐–๐ˆ ๐’๐ˆ๐„๐†๐„Marawi City, Marso 2...
20/03/2025

๐Œ๐‚๐ ๐๐€๐†๐Š๐€๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐๐Ÿ•๐Ÿ“.๐Ÿ”๐Œ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐๐„๐๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐ˆ๐Š๐“๐ˆ๐Œ๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐€๐–๐ˆ ๐’๐ˆ๐„๐†๐„

Marawi City, Marso 20, 2025 โ€“ Sa ilalim ng malinaw na hangarin ng pagkilala at hustisya para sa mga biktima ng Marawi Siege noong 2017, nagkaloob ang Marawi Compensation Board (MCB) ng kabuuang โ‚ฑ75,612,598.32 sa 40 kwalipikadong claimants sa pinakabagong distribusyon ng pondo. Sa patuloy na proseso ng pagbabayad-pinsala, umaabot na sa โ‚ฑ1,187,041,105.48 ang naipamahaging pondo sa 713 claimants.

Mula sa pagkawasak ng kanilang mga tahanan at kabuhayan, dala ng mga biktima ang alaala ng madilim na kabanata ng Marawi Siege. Ngunit para kay Atty. Maisara Dandamun-Latiph, Chairperson ng MCB, ang pag-asa ay patuloy na umuusbong. Ang kanilang dedikasyon ay nakatuon sa pagpapabilis ng proseso ng kompensasyon upang matiyak na ang mga naapektuhan ay makatatanggap ng kanilang karampatang benepisyo sa lalong madaling panahon.

"Hindi namin bibiguin ang mga mamamayang matagal nang naghihintay. Patuloy kaming magsisikap upang pabilisin ang proseso at tiyakin na makarating sa mga karapat-dapat ang bawat sentimo," ani Dandamun-Latiph.

Ngayong linggo, sinimulan na ng MCB ang araw-araw na distribusyon ng monetary compensation para sa mga claimants na na-download na ang pondo para sa kanilang mga benepisyo. Ang mga benepisyaryo ay inaabisuhan na maghintay ng opisyal na tawag mula sa MCB staff para sa kanilang iskedyul ng payout.

Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang pagtitiyaga ng mga claimants. Para kay Yusoph, isa sa mga nakatanggap ng kompensasyon para sa structural at personal property damages, nagdulot ng kaluwagan ang pagkamit ng matagal nang inaasahang hustisya.

"Alhamdulillah kasi naabutan namin yung matagal naming hinihintay. Weโ€™ve been waiting actually for how many years and finally dumating na. There are some delays and we hope mapabilis yung process kasi we do not know what will happen talaga. Honestly, Iโ€™m very happy because thereโ€™s MCB na ipinatayo ng gobyerno for us to claim whatโ€™s really ours," ani Yusoph.

Nagpapatuloy ang MCB sa kanilang pagtugon sa mga natitirang claimants na may mga aplikasyon pang nakabinbin. Nanawagan ang Board sa mga ito na maging matiisin at maghintay habang isinasagawa ang masusing proseso ng pagrebisa. Ang kanilang mandato, na nakapaloob sa Republic Act No. 11696, ay mananatiling gabay sa pagbibigay ng makatarungan at pantay na kompensasyon sa lahat ng biktima ng Marawi Siege.

Habang patuloy ang distribusyon ng pondo, nananatili ang MCB sa kanilang pangakong huwag iiwan ang kahit isang biktima na walang hustisya. Ang kanilang misyon ay hindi lamang sa pagtupad ng batas kundi sa pagtulay sa pangarap ng mga Maranao na muling mabawi ang kanilang nawala at maitayo ang mas maliwanag na kinabukasan.



๐Œ๐‚๐ ๐๐š๐ -๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐ง๐  ๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Ÿ–๐Ÿ• ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐ฌMarawi City, Marso 19, 2025 โ€“ Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap n...
19/03/2025

๐Œ๐‚๐ ๐๐š๐ -๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐ง๐  ๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Ÿ–๐Ÿ• ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐ฌ

Marawi City, Marso 19, 2025 โ€“ Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na magbigay ng makatarungang kompensasyon sa mga naapektuhan ng Marawi Siege noong 2017, nagkaloob ang Marawi Compensation Board (MCB) ng kabuuang โ‚ฑ125,010,452.75 sa 87 kwalipikadong claimants sa kanilang pinakahuling distribusyon ng pondo.

Noong Marso 17, 2025, inilabas ng MCB ang halagang โ‚ฑ48,665,578.57 para sa 48 claimants, at sinundan ito ng karagdagang โ‚ฑ76,344,874.18 na naipamahagi sa 39 claimants noong Marso 19, 2025. Sa kabuuan, umabot na sa โ‚ฑ1,111,428,507.16 ang naipamahaging kompensasyon ng MCB na nakinabang ang 673 claimants.

Muling pinagtibay ni MCB Chairperson Atty. Maisara Dandamun-Latiph ang dedikasyon ng Board na tiyakin ang agarang pagtanggap ng nararapat na kompensasyon ng lahat ng kwalipikadong claimants. Binanggit niya na magpapatuloy ang MCB sa pagpapabilis ng proseso ng payout sa mga susunod na araw.

Ngayong linggo, araw-araw nang magbibigay ng monetary compensation ang Marawi Compensation Board (MCB) para sa mga claimants na na-download na ang pondo para sa kanilang kompensasyon. Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na hintayin ang opisyal na tawag mula sa MCB staff para sa kanilang iskedyul ng payout.

Samantala, ibinahagi ng ilang claimants ang kanilang halo-halong emosyon ng ginhawa at pasasalamat. Si Rawia, isang claimant para sa structural at personal property damages, ay nagbigay ng kanyang saloobin:

"Masaya kami, kahit matagal naming hinintay ito, nauunawaan namin. Sa totoo lang, hindi ito lubos na sapat para sa lahat ng nawala, pero Alhamdulillah, nagpapasalamat pa rin kami. At least kinilala nila ang aming hinaing. Napaluha ako sa tuwa. Ang natanggap namin ay gagamitin namin para ipaayos ang aming bahay. Dapat naming gamitin nang maayos ang pera."

Nanawagan ang MCB sa mga natitirang claimants na magtiyaga at maghintay habang patuloy na masusing pinoproseso ng Board ang kanilang mga aplikasyon. Patuloy na naninindigan ang Board sa kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 11696 na magbigay ng makatarungan at pantay na kompensasyon para sa lahat ng biktima ng Marawi Siege.



๐Œ๐‚๐ ๐š๐ญ ๐๐‡๐€, ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ฉ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐‘๐‘ ๐ง๐  ๐‘๐€ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ—๐Ÿ”Noong Marso 14, 2025, nagpulong ang Marawi Com...
14/03/2025

๐Œ๐‚๐ ๐š๐ญ ๐๐‡๐€, ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ฉ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐‘๐‘ ๐ง๐  ๐‘๐€ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ—๐Ÿ”

Noong Marso 14, 2025, nagpulong ang Marawi Compensation Board (MCB) at ang National Housing Authority (NHA) upang talakayin ang mga mungkahing pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11696. Ang mga pagbabagong ito ay nakatuon sa Seksyon 5, na may kaugnayan sa mga claim o kahilingan na apektado ng Marawi Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP), Debris Management Programs, at ang demolisyon ng mga pribadong ari-arian para sa paghahanap at pagkuha ng mga hindi pa sumasabog na pampasabog o Unexploded Ordnance (UXO).

Sa naturang pagpupulong, ipinresenta ni MCB Chairperson Atty. Maisara Dandamun-Latiph ang mga hinaing at kahilingan ng mga Barangay Chairperson, Civil Society Organizations, at mga Internally Displaced Persons (IDPs) mula sa apat na barangay na pinakaapektado ng Marawi siege noong 2017. Ang mga panawagang ito ay isasama sa Data Sharing Agreement at Memorandum of Agreement sa pagitan ng MCB at NHA upang matiyak ang mas inklusibo at epektibong implementasyon ng batas.

Ipinahayag ng NHA na kanilang pag-aaralan ang mga panukala bago ito tuluyang aprubahan. Sa darating na linggo, magsasagawa ang MCB, kasama ang iba pang ahensyang may kaugnayan sa programa, ng pampublikong konsultasyon upang makakalap pa ng opinyon at suhestiyon mula sa mga apektadong mamamayan.



๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐€๐๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐‚๐‹๐€๐ˆ๐Œ๐’In adherence to the Marawi Siege Victimโ€™s Compensation Act (RA No. 11696) and Section 10 o...
14/03/2025

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐€๐๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐‚๐‹๐€๐ˆ๐Œ๐’

In adherence to the Marawi Siege Victimโ€™s Compensation Act (RA No. 11696) and Section 10 of the Rules of Procedure governing the Marawi Compensation Board, it is the duty of the Board Secretary to publicly post the Monetary Claims Awards for thirty (30) calendar days in three (3) conspicuous public places.

In this regard, after careful evaluation of the claims applications and documentary requirements submitted, please be advised that the Board En Banc has approved the following claims.

Hence, within Thirty (30) Calendar Days from the time of this posting, any concerned party may file a Written Opposition with the Board En Banc.

Pursuant to Section 5 and 6 of the Rules of Procedure of Marawi Compensation Board, any concerned party may file a Written Opposition along with all its attachments and affidavits. The opposition should be based on the following grounds:

1. The claim is fraudulent, fictitious, or spurious;
2. The claimant is not eligible under Section 29 of the IRR;
3. The claim is not one of those enumerated under Section 29 of the IRR; or
4. Any other justifiable ground as the Board may deem proper.

Should there be no opposition after the lapse of 30-day periods, the decision of the Board En Banc shall be FINAL AND EXECUTORY.

This 14th day of March 2025, Marawi City, Lanao del Sur.


๐Œ๐ ๐š ๐๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐’๐ข๐ž๐ ๐ž, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  โ‚ฑ๐Ÿ”๐Ÿ•,๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ,๐Ÿ—๐Ÿ”๐Ÿ.๐Ÿ—๐Ÿ“ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐‘๐€ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ—๐Ÿ” ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐’๐ข๐ž๐ ๐ž ๐•๐ข๐œ๐ญ๐ข๐ฆ๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐œ๐ญ...
13/03/2025

๐Œ๐ ๐š ๐๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐’๐ข๐ž๐ ๐ž, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  โ‚ฑ๐Ÿ”๐Ÿ•,๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ,๐Ÿ—๐Ÿ”๐Ÿ.๐Ÿ—๐Ÿ“ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐‘๐€ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ—๐Ÿ” ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐’๐ข๐ž๐ ๐ž ๐•๐ข๐œ๐ญ๐ข๐ฆ๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Lungsod ng Marawi, Pilipinas โ€“ Naglabas ang Marawi Compensation Board (MCB) ng kabuuang โ‚ฑ67,001,961.95 bilang kabayaran sa 36 na kwalipikadong claimants noong Marso 13, 2025.

Sa pinakahuling paglalabas ng pondo, umabot na sa โ‚ฑ986,418,054.41 ang kabuuang halaga ng kompensasyong naipagkaloob ng MCB mula nang ito ay mabuo.

Nagdulot ng matinding pagkasira sa mga ari-arian at pagkawala ng buhay ang Marawi Siege. Bilang tugon, itinatag sa ilalim ng Republic Act 11696 ang MCB na may tungkuling mamahala sa pagpoproseso ng mga kompensasyong hinihiling ng mga naapektuhan ng trahedya.

Sa kasalukuyan, umabot na sa โ‚ฑ2,346,137,587.71 ang kabuuang halaga ng mga aprubadong claims ng board.

Ipinahayag ng maraming claimants ang kanilang taos-pusong pasasalamat matapos matanggap ang kompensasyon para sa kanilang mga nawalang ari-arian at kabuhayan dulot ng Marawi Siege.

Si Karnain, isang claimant para sa Struktura at Personal na Ari-arian, ay nagpahayag ng kanyang kasiyahan:

"Syempre masaya at Alhamdulillah na rin. Matagal na naming hinihintay na mabayaran kami. Hindi man yung inaasam-asam naming halaga, ay maraming salamat pa rin. Maganda yung pamamalakad nila. Maraming salamat at yung mga paghihirap namin ay napalitan. Walang katumbas na pasasalamat. Sana ipagpatuloy nila itong programa nila at marami pa silang matulungan na katulad namin."

Patuloy ang pagsisikap ng Marawi Compensation Board upang maihatid ang nararapat na kompensasyon sa lahat ng biktima ng Marawi Siege, alinsunod sa mandato ng batas.



Address

Marawi City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Former MCB Chairperson Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share