26/05/2026
Sa patuloy na pagpapatupad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ating bayan, muling pinagtitibay ang layunin nitong hindi lamang magbigay ng panimulang tulong, kundi maghatid ng tuloy-tuloy na suporta at gabay para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga Mansaleรฑo.
Ang SLP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang capability-building program na isinasagawa sa pamamagitan ng mga yugto o phases, kung saan ang mga benepisyaryo ay sumasailalim sa monitoring, capacity-building, at livelihood development upang matiyak ang pangmatagalang tagumpay ng kanilang mga asosasyon.
Noong 2024, unang nabigyan ang kabuuang labinlimang (15) asosasyon bilang bahagi ng unang implementasyon ng programa.
Sa kasalukuyang 2026 implementation, isinagawa ang unang batch ng ikalawang bigayan kung saan sampung (10) asosasyon ang muling nabigyan ng tig-โฑ200,000 na livelihood assistance, sa pangunguna ng DSWD-SLP Provincial Coordinator G. Marites C. Pones, kasama si G. Marife F. Selda, PDO II, at si G. Ishmylene Fernando, OIC-MSWDO.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang:
๐๐จ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ญ๐. ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง ๐๐๐๐, ๐๐ฅ๐๐ณ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐๐ก๐๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐๐ฎ๐ฅ ๐๐จ๐ฉ๐ ๐๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐๐ค๐ฒ ๐๐ญ๐. ๐๐ซ๐ข๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐๐๐, ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ง๐๐จ ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐จ๐ง ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐จ๐ง ๐๐๐๐จ๐ค ๐
๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ ๐๐๐๐, ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ฎ๐๐จ-๐๐ซ๐๐๐ง๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐๐.
Ang muling paglalaan ng suporta ay bahagi ng patuloy na assessment at implementasyon ng SLP upang matiyak na ang bawat asosasyon ay umuusad tungo sa mas matatag at self-sustaining na kabuhayan.
Nakatakda namang sumunod ang limang (5) pang asosasyon bilang kumpletong pagpapatuloy ng programa para sa lahat ng benepisyaryo.
Bilang tagapangasiwa ng lehislatura, patuloy nating sinusuportahan ang mga programang naglalayong hindi lamang magbigay ng ayuda, kundi magtayo ng pangmatagalang oportunidad at kabuhayan para sa bawat Mansaleรฑo.