31/07/2026
"Do the things na nagbibigay ng fulfillment sa buhay mo."
Kapag lagi kang mag-isa, sasabihin nilang lonely ka. Kapag madalas kang lumabas kasama ang mga taong mahalaga sa'yo, sasabihin nilang magastos ka. Kapag inaalagaan at inaayos mo ang sarili mo, sasabihin pa-flex ka. Kapag tumaba ka, may masasabi. Kapag pumayat ka, may masasabi pa rin. Kapag naging seryoso ka, sasabihin ang hirap mong kabonding. Kapag masayahin ka, sasabihin immature. Kapag nag-grow at nag-improve ka, sasabihin mayabang ka na.
The truth is, people will always have an opinion. Kahit anong piliin mong gawin, hindi mawawala ang mga taong may masasabi. Pero tandaan mo, hindi sila ang nabubuhay sa buhay mo. Hindi nila alam ang mga laban na tahimik mong nilalabanan, ang mga sakripisyong ginagawa mo, at ang mga pangarap na unti-unti mong binubuo.
Kaya huwag mong hayaang ang ingay ng opinyon ng iba ang magdikta kung paano mo dapat ipamuhay ang buhay mo. Gawin mo ang mga bagay na nagbibigay sa'yo ng growth, peace, at fulfillment. Magpatuloy kang umunlad, maging masaya, at maging totoo sa sarili mo.
At the end of the day, ang pinakamahalagang approval ay galing sa sarili mo.
You do you, always. ππ―
P.S gusto ko lang naman pong i-share na crispy pata ang ulam namin at mag-invite na rin po na bumili po sana kayo ng gamot sa botika namin, your trusted neighborhood pharmacy π Losartan, amlodipine, and atorvastatin is waving ππ€