21/07/2026
.
Hindi po lahat ng inihahain sa atin ay dapat sunggaban. Unang-una, natuto ba tayong humingi muna ng gabay sa mas nakatataas sa lahat? Kumonekta na ba tayoโt nakakapakinig ba tayo mula naman sa Kanya? Pinagmamasdan ba natin ang sariling atin na pinagpapala sa likas na ganda at yaman, nguniโt atin lamang sisirain sa ngalan ng kamunduhan, sisirain nang hindi na maipamamana pa? Anoโng kinabukasan ang para sa ating mga anak? Pinag-aaralan ba muna natin ang tutoong mga nangyayari sa labas ng bansa, ang mga nararanasan nila ngayon, lalo na sa mismong pinanggagalingan ng makabagong Teknolohiya na inaayawan na ng kanila mismong mga mamamayan na halos lahat ay nagsisisi?
Ihinto natin ang kahibangan na siyang nagpapasimula ng mas marami pang kahibangan, mas matinding pagkakahati-hati, at kamatayan sa aktuwal pati na sa birtuwal na realidad. Huwag umpisahan ang dinadala nila dito dahil may pag-asa pa tayo sa ngayon. Mas may pag-asa pa tayo kesa sa kanila. Tanggapin natin ang ating pagkakamaliโt lumapit na tayo sa ating Dinidiyos.