SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan

SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan | join.sparkkabataan.org Time has taught us that the youth’s role in shaping history is indispensable. Today, we SPARK.

Such a role is marked by a passionate, uncompromising commitment to the masses, and a powerful sense of adherence to genuine social progress towards social justice. Yet the unique and integral contribution of the youth in the fight against oppression and exploitation is marred by a growing sense of detachment from social realities and disillusionment towards politics. The situation demands and is

ripe for a reinforced, reinvigorated, activist contribution from the part of the youth. And the solution is, as always, going back to the masses – to the line of the workers, the oppressed and the marginalized - and joining them in the struggle against capitalism, imperialism and commercialization. Out of this political necessity, comes a radical response: SPARK, the Samahan ng Progresibong Kabataan, which shall serve as a venue for the youth to realize its integral role in shaping history by linking it to the struggle of the masses, of the workers, and of all marginalized sectors in society. Now is the time for honoring the youth that came before us. Today, we accept the burden - the glory - of being counted among the progressive youth: the movers of change, the shapers of history. Now, more than ever, we must keep the fire burning.

85-PESO WAGE HIKE NOW!  | Members of SPARK - Katipunan took the streets of Katipunan and Aurora Ave. stickering the call...
05/09/2026

85-PESO WAGE HIKE NOW!

| Members of SPARK - Katipunan took the streets of Katipunan and Aurora Ave. stickering the call to implement the 85 peso wage increase in Metro Manila.

Workers have long lambasted the decision by the Pasig Regional Trial Court Branch 152 under Judge Joyce Manongsong to suspend the implementation of Wage Order 27 at the behest of Readycon Trading and R-II Builders.

Yet despite this judicial overreach in violation of the Labor Code, the Department of Labor and Employment under Francis Tolentino has refused to definitely stand on the side of workers. He has flipped and flopped but ultimately failed to defy the Court's unlawful order.

The State continues to show its true face to the working class. The ruling class of political and economic elite continue to flex their power, money, and strength to deprive workers of the value derived from their labor. This violence is an injustice that we must not let pass as the progressive youth and the future generation that will inherit society.

As students and members of the youth sector whose issues are similarly ignored by the elite seated in government, the fight of the working class is just as much our own. When capitalists, cronies, and the ruling class unite to block a beneficial wage increase for workers instead of opening their eyes to the flood of hardships and rising commodity prices plaguing the common Filipino, it becomes increasingly clear that the current order must change. In this radical fight for progress, we call for fair wages and solidarity with our workers.

We resolutely join the workers of Metro Manila and the Philippines in this struggle! Mabuhay ang uring manggagawa! 85 pesos wage increase, ipatupad!

Join the fight!
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

Nagtungo ang mga miyembro ng SPARK - MAPÚA upang idikit ang panawagan ng mga manggagawa para sa P85 dagdag-sahod at agar...
05/09/2026

Nagtungo ang mga miyembro ng SPARK - MAPÚA upang idikit ang panawagan ng mga manggagawa para sa P85 dagdag-sahod at agarang pagpapatupad nito. Bilang mga estudyante, hindi tayo bulag sa hirap na kinakaharap ng mga manggagawa at ng kanilang mga pamilya—kaya’t tungkulin nating makiisa, manindigan, at lumaban para sa makatarungang dagdag na sahod. Nilulunod na tayo sa baha ng kahirapan at krisis sa kabuhayan ay nagagawa pang magsabwatan ng administrasyon ni BBM, ng mga kapitalista, at ng mismong si DOLE Secretary Francis Tolentino upang pigain at mas lalong ilagay sa lusak ang manggagawa.

Ang tungkuling nating kabataang estudyante sa labang ito ay mahigpit nating panghawakan ang makauring interes, itaas ang antas ng kamulatan ng manggagawa, at baguhin ang sistema ng lipunan na siyang kumikitil sa buhay ng bawat isa. Ang mga inhinyero ang tagapagdala ng pagbabago at progreso ng lipunan, dapat din nating baguhin ang lipunan at itayo ang alternatibong ito; ang sosyalismo.

Sumapi sa SPARK - MAPÚA!
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

05/09/2026
04/09/2026

Tayo ay LIVE ngayon sa BOMBO RADYO PHILIPPINES para pag-usapan ang ika-21 ng Setyembre, usad ng imbestigasyon kontra korapsyon, at ang tindig ng progresibong kabataan: "Lahat ng sangkot, dapat managot!"

Nagtungo ang mga miyembro ng SPARK - PNU mula sa kahabaan ng San Marcelino St. upang idikit ang panawagan na P85 dagdag ...
04/09/2026

Nagtungo ang mga miyembro ng SPARK - PNU mula sa kahabaan ng San Marcelino St. upang idikit ang panawagan na P85 dagdag na sahod ng mga manggagawa. Nauunawaan at nakikiisa ang kabataang estudyante sa laban para ipatupad na ang naunsyaming dagdag sahod dahil kita ang hirap ng kanilang manggagawang magulang para itaguyod ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Kasama ng kabataan sa laban ng uring manggagawa ang paglalantad sa sistemang mapanamantala at ang KAPITALISMO. Wala tayong aasahan sa adminstrasyon ni BBM upang i-angat ang buhay ng mga manggagawa at kikiling palagi sa interes ng mga naghaharing uri.

KAYA DAGDAG SAHOD NA 85 SAHOD IPATUPAD NA!

G**O NG BAYAN KASAMA NG MANGGAGAWA NGAYON AY LUMALABAN!

Sumapi sa SPARK - PNU!
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

IPATUPAD ANG 85 PESO WAGE HIKE!Umikot ang mga miyembro ng SPARK - UP Diliman upang ipaskil ang panawagang ipatupad na an...
04/09/2026

IPATUPAD ANG 85 PESO WAGE HIKE!

Umikot ang mga miyembro ng SPARK - UP Diliman upang ipaskil ang panawagang ipatupad na ang 85 peso wage increase sa Metro Manila sa kabila ng kautusang binaba ng Pasig RTC sa paguudyok ng Readycon Trading at R-II Builders.

Namamatay na sa gutom at pagod ang mga manggagawa dito sa NCR ngunit hindi pa rin tumutugon ang DOLE sa ilalim ni Secretary Francis Tolentino. Lumuluhod pa rin ito sa kautusan at interes ng mga kapitalistang kumikita sa pagdurusa ng mga obrero.

Dapat singilin, pagbayarin, at panagutin ang mga ganid at mapang-aping kalaban ng uring manggagawa sa loob ng pamahalaan, sa korte, at sa board room ng mga kumpanyang. Katuwang ang progresibong kabataan sa laban ng hukbong mapagpalaya durugin ang mga mapagsamantala hanggang itatag ang sosyalistang lipunan!

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!

📌 Para sa mga nais matutuhan ang kalagayan ng wage order at sa pang-aapi ng mga manggagawa, magkakaroon din ng EDUCATIONAL DISCUSSION online. Mag-message lamang sa page para sa karagdagang detalye.

join.sparkkabataan.org

WANTED: KALABAN NG MANGGAGAWAMatagal nang pinag-uusig. Hindi pa rin napapanagot.Para sa Readycon at R-II Builders, lalo ...
04/09/2026

WANTED: KALABAN NG MANGGAGAWA

Matagal nang pinag-uusig. Hindi pa rin napapanagot.

Para sa Readycon at R-II Builders, lalo na sa ilalim ng kanilang among sina Jesus Ignacio at Reghis Romero, ipinagkait ninyo ang umento sa sahod para sa inyong manggagawa, sa kabila ng ginawaran sa inyong mga kontratang milyon-milyong piso ang halaga bawat taon.

Para kay Francis Tolentino, Secretary of Labor and Employment. Ilang buwan ka pa lang nasa pwesto, ipinakita mo na ang tunay mong kulay. Puro ka papogi sa media, pero sa una pa lang ikaw mismo nagsabi na irerespeto ninyo ang desisyon ng Pasig RTC na itigil ang wage order para sa buong NCR.

Para kay Judge Manongsong, batikang huwes na sumuway sa batas ng bansa. Labag na nga sa Article 124 ang paghingi ng injunction at TRO ng Readycon at R-II ay pinagbigyan mo pa rin ang kanilang kaso hanggang buong Maynila ang nadamay.

At para kay Bongbong Marcos, ang CEO ng estadong dinedeploy ang pulis sa picketline, dinudurog ang panawagan para sa nakabubuhay na sahod, at hinaharangan ang karapatan sa paggawa. Ang lahat ng ito'y hindi magiging posible kung hindi ka nagsisilbi sa interes ng elitistang kapitalista, habang milyon-milyon ang patuloy na nagdurusa.

Sila ang kalaban ng uring manggagawa. Ito na ang panahon para singilin, pagbayarin, at panagutin sila!

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org




MAY FLOW G, PERO WALANG FLOW ANG TUBEG?Handa na kaya ang San Josenio na sumigaw para sa pagdiriwang at pananagutan? Ngay...
04/09/2026

MAY FLOW G, PERO WALANG FLOW ANG TUBEG?

Handa na kaya ang San Josenio na sumigaw para sa pagdiriwang at pananagutan? Ngayong Paggunita ng Tanglawan Festival ng SJDM gawin nating itong pag hamon din para sa ating mayora at kongresista na hanggang ngayo’y wala paring tubig! At malinaw na sagot kung saan nga ba napupunta ang badyet ng CJSDM lalo na’t sangkot ang pangalan ni Rida Robes sa isyu ng Flood Control Scandal.

Nirerespeto natin at sinusuportahan ang pag yabong ng lungsod at mga lokal Pinoy artist na magtatanghal. Ngunit h’wag nating hayaang malimutan ng bawat isa na tayo ay binabarubal ng mga taong nanunungkulan sa pwesto. Maraming bahagi parin ng Bulacan ang binabaha, habang ang SJDM naman ay wala paring tubig at ang ilang baranggay ay binabaha na. pero ang dapat na manalaytay ay mismong Interes ng Mayoryang San Josenio at Ang kinakaharap na problema sa serbisyo sa tubig. Kaya't Hindi dapat tayo makalimot, dahil ang pumapasan ng pondo ay mismong taong bayan.

Kaya mga Kabataang San Joseño! Ating isigaw muli ang TUBIG TUBIG TUBIG! At IKULONG NAYANG MGA KURAKOT! Hindi tayo titigil na sila’y gambalain ng ating boses hangga’t hindi natin nakakamtan ang tamang serbisyo at representasyon ng mamamayan. Ibalik sa tao ang tubig, gawing makasama ang lipunan! I-kondena ang maka elitista na pamamahala sa ating bayan!

!

!

 : Nagdikit ng stickers ang mga miyembro ng SPARK-FEU at SPARK-UE sa España, Recto, at Legarda upang ipanawagan ang pagp...
04/09/2026

: Nagdikit ng stickers ang mga miyembro ng SPARK-FEU at SPARK-UE sa España, Recto, at Legarda upang ipanawagan ang pagpapatupad ng 85 pesos wage increase.

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang panigan ng Pasig RTC ang mga kapitalista ng R-II Builders at Readycon upang ipatupad ang ilegal na temporary restraining order na pinipigilan ang implementasyon ng wage increase sa NCR.

Sa harap ng krisis ng nagtataasang presyo ng bilihin, matuturing na barya ang 85 pesos wage increase sa tunay na kailangan ng mga manggagawa. Ngunit kahit ang kakarampot na dagdag sahod na ito ay nagawa pa ring ipagkait ng estado.

Ipinapakita lamang nito na hindi makakamit ang tunay na pagbabago ng ating mga abang kalagayan sa ilalim ng mga parasitikong naghaharing uri. Anumang tagumpay na ating makamit, tulad ng taas sahod, ay maaaring nilang bawiin kung kanilang gugustuhin. Kaya tanging sa pagwasak lamang ng kasalukuyang kaayusan at pagtatag ng gobyerno ng masa't manggagawa makakamit ang tunay na pagbabago.

Katuwang ng mga manggagawa ang hanay ng progresibong kabataan sa kanilang laban sa taas-sahod at sa mas malawak na laban upang itatag ang lipunang ganap na malaya, masagana, at may diwa ng pagkapantay-pantay.

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

ISKOLAR NG BAYAN, KASAMA SA LABAN NG MANGGAGAWA!Kalakhan sa mga PUPians ay mga anak ng manggagawa. Kaya tayo pumasok sa ...
04/09/2026

ISKOLAR NG BAYAN, KASAMA SA LABAN NG MANGGAGAWA!

Kalakhan sa mga PUPians ay mga anak ng manggagawa. Kaya tayo pumasok sa Sintang Paaralan ay dahil sa "libreng" edukasyon na maiibsan sana ang gastusin ng ating mga pamilya.

Pero para saan ba tayo nagaaral? Upang pagkagradweyt ay pumasok sa kumpanyang babaratin lang rin tayo? Upang bayaran ng sahod na di kayang bumuhay? Upang walang bahay o damit sa ating likuran? Upang manahin ang kalunos lunos na kalagayan ng ating mga pamilya?

O para baguhin ang ating kalagayan?

Sa ilalim ng sistemang kapital, ang manggagawa, bagamat kung wala sila ay walang tatakbo sa lipunan, ay tinuturing lang na piyesa sa makina na maaring idispatya pag wala nang pakinabang, maaring baratin para mas magkamal ng tubo.

Dapat nang buwagin at baguhin ang ganitong kalakaran. At dapat mag-ambag ng kabataan sa laban tungo sa mapagpasyang tagumpay.

join.sparkkabataan.org

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan:

Shortcuts

Share