09/08/2026
ππππ ππππ π¬π π¦π π πππ ππ«π’π―ππ«π¬! Mas malaki na ang matitipid ninyo sa krudo.
Simula August 15, itataas na sa β±12 kada litro ang fuel discount para sa mga jeepney at UV Express drivers, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang suporta sa sektor ng transportasyon.
Maaari nang umabot sa β±1,800 kada linggo ang matitipid ng bawat kwalipikadong driver. Dagdag ito sa naunang β±10 kada litro na fuel discount na inilunsad noong Abril at nakatulong na sa mahigit 93,000 PUV drivers sa buong bansa.
Layunin ng dagdag na diskwento na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng pandaigdigang pangyayari, habang patuloy na sinusuportahan ang kabuhayan ng ating mga driver.