Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila

Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila OFFICIAL PAGE OF BARANGAY 19 ZONE 2 DISTRICT 1

P/B Josephine Fajardo

RAFFLE FOR A CAUSE 🎗️Mga Kabarangay, humihingi po kami ng kaunting tulong at suporta para sa ating minamahal na Barangay...
02/06/2026

RAFFLE FOR A CAUSE 🎗️

Mga Kabarangay, humihingi po kami ng kaunting tulong at suporta para sa ating minamahal na Barangay Tanod na si Ate Beth na kasalukuyang nakikipaglaban sa cancer.

Sa pamamagitan ng Raffle for a Cause, ang bawat slot na inyong mabibili ay direktang makakatulong sa kanyang mga gastusin sa pagpapagamot at iba pang pangangailangan habang siya ay nagpapagaling.

Ang inyong munting tulong ay malaking bagay para sa isang taong buong pusong nagsilbi sa ating Barangay.

Sama-sama nating iparamdam kay Ate Beth na hindi siya nag-iisa sa laban na ito. Bawat tiket ay pag-asa, bawat ambag ay pagmamahal.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at suporta.

💖🎟️ RAFFLE FOR A CAUSE – BUY A SLOT, SAVE LIVES! 🎟️💖

Sometimes, the smallest act of kindness can make the biggest difference. Today, we humbly ask for your support for our beloved Auntie Beth as she bravely continues her fight against cancer. Every raffle slot purchased will go directly toward helping with her medical expenses, treatments, and recovery needs.

✨ HOW TO JOIN:
🎫 Slot Price: ₱100 per slot (open slot)
📩 Send us a private message to reserve your slot.
💳 Payment QR code will be provided individually.
📅 Draw date will be announced soon.

🏆 PRIZES TO BE WON:
🥇 1st Prize: 10 kilos Mighty Clean Powder Detergent
🥈 2nd Prize: Set of Kitchen Knives
🥉 3rd Prize: 1 Automatic Umbrella

By joining this raffle, you're not only getting a chance to win amazing prizes—you are also giving hope, strength, and support to someone who needs it most. ❤️

Every ticket counts.
Every share matters.
Every act of kindness makes a difference.

Together, let us show Auntie Beth that she is not alone in this battle. Your support, prayers, and generosity mean more than words can express. 🙏❤️

📩 Grab your slot now through private message!

❤️🎗️

BACK TO SCHOOL 🎒🏫FREE HAIRCUT AND HAIR COLOR 🎨✂️Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, malugod naming inaanyayahan a...
02/06/2026

BACK TO SCHOOL 🎒🏫
FREE HAIRCUT AND HAIR COLOR 🎨✂️

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, malugod naming inaanyayahan ang mga kabataan ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila na makilahok sa ating Libreng Gupit at Hair Color Program!

📅 Hunyo 6, 2026 (Sabado)
🕘 9:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay 19 Hall

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng ating Committee on Livelihood at Committee on Women and Family sa pangunguna ni Kagawad Ma. Cristina Nick Aguilar-Cerna katuwang ang ating Punong Barangay Josephine Fajardo bilang suporta sa ating mga kabataan sa kanilang pagbabalik-eskwela.

02/06/2026
02/06/2026
GAWAD PARANGAL OFFICIAL LIST✨
01/06/2026

GAWAD PARANGAL OFFICIAL LIST✨

MAY 30, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive  ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Puno...
30/05/2026

MAY 30, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Punong Barangay Josephine Fajardo katuwang ang Brgy Council, Tanod, Lupon, Street Sweepers, BADAC Auxiliaries at Staff.



ANUNSYO PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila ‼Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente na ...
29/05/2026

ANUNSYO PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila ‼

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente na sagutan ang ating RBI o REGISTRY OF BARANGAY INHABITANTS gamit ang QR Code o sa pamamagitan ng link na ito:

🔗https://forms.gle/jY7inu9TPNiN5qiP8

Maaari na po kayong mag-register sa pamamagitan ng pag-click ng link o pag-scan ng QR Code.

📌Ang pagpaparehistro ay para sa LAHAT NG KASALUKUYANG NANINIRAHAN sa ating barangay — mula sanggol hanggang senior citizen, botante man o hindi.
📌INDIBIDWAL po ang pagsagot sa form. BAWAT TAONG NAKATIRA sa inyong bahay ay kailangang mairehistro at magkaroon ng sariling sagot sa form.
📌Maaari pong gumamit ng iisang Gmail o email address para sa buong pamilya o sambahayan.

Upang kayo ay matulungan sa inyong mga katanungan at pagpaparehistro, iikot po ang ating mga Kagawad, SK Chairman at Barangay Secretary sa LINGGO, MAY 31, 2026 sa kanilang mga nakatalagang lugar:

📍STA. BARBARA STREET
• Kagawad Elizabeth Valdez
• Kagawad Romeo Agustines

📍 STA. ROSA STREET
• Kagawad Jonathan Fajardo
• Kagawad Miguelito Bacolcol

📍 ZARAGOSA STREET at KAGITINGAN STREET
• Kagawad Lea Uy
• Kagawad Rogel Dela Cruz

📍 SAN DIONISIO STREET
• SK Chairman Allyssa Eunice Nanca

📍 SAN SIMON STREET, SAN BASILIO STREET at SAN FRANCISCO STREET
• Kagawad Ma. Cristina Cerna
• Sec. Rosalyn Casaljay

Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon.

Address

920 Kagitingan Street
Manila
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share